Hindi mawala sa isip ko 'yong message sa'kin ng kuya ni Rosie kagabi. Hindi ko pa ina-accept 'yong message request niya. At hindi ko pa rin nire-reply-an.
Naka-duty ako ngayon sa eatery ni Aling Mona at nagpupunas ng mesa pagkatapos magtanghalian ng mga customer namin.
Napabuntonghininga ako, "Ano kayang kailangan niya sa'kin?" bulong ko sa sarili ko.
"Lilianne!"
Napatingin ako sa tumawag sa'kin.
"Ikaw pala, Dory."
"Tama na 'yan. Puwede ka na mag-out," sambit niya.
Tumango ako, "Okay sige. Salamat."
Ningitian niya ako at pumunta na ako ng kusina. Hinubad ko na ang apron ko at sinabit sa likod ng pinto. Pagkatapos ay dinampot ko na ang messenger bag ko sa ilalim ng counter.
"Alis na po ako," paalam ko kay Aling Mona.
"Sige, Lilianne," sagot niya.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng eatery.
"Lilianne."
Napahinto ako nang may narinig akong tumawag sa'kin. Nandilat naman ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yon.
"Rhysander?"
---
Dinala niya ako sa isang coffee shop na malapit. Nakapuwesto kami sa tabi ng glass wall dito sa second floor para raw walang makakita sa'min. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong kailangan niya sa'kin. Ang sabi lang niya, kailangan niya raw ako makausap.
"Ano bang kailangan mo sa'kin?" tanong ko.
Huminga siya nang malalim at itinukod ang mga braso niya sa mesa.
"Why are you not replying to my message?" tanong niya.
"Bakit naman ako magre-reply? Close ba tayo? Saka nagulat ako na nag-message ka. Ano ba kasi 'yon?" paliwanag ko.
Bumuntonghininga na naman siya sabay irap sa kawalan. Ako naman ay nakakunot-noo lang habang nakatingin sa kanya.
Mayamaya lang ay nilihis niya papalapit ang katawan niya rito sa mesa at seryoso akong tiningnan. Kinabahan naman ako sa seryosong tingin niya.
"Please be my girlfriend," usal niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Ha?!"
"Anong ha? Are you deaf?" mataray niyang sambit.
"G-girlfriend? Tama ba 'yong narinig ko?" tanong ko pa na hindi makapaniwala.
"Yeah. You heard it right, Lili girl," aniya sabay irap.
"Wait. Teka lang. B-Bakit? Paki-explain naman nang maayos, oh. Nabibigla ako rito, eh."
"Okay, listen to me. I want you to be my fake girlfriend," sagot niya.
Napakunot-noo ako, "Fake girlfriend?"
"Yep. I am hiring you to be my fake girlfriend, Lilianne."
"Bakit?" pagtataka ko.
"Well, my parents want me to attend blind dates. They want me to get an official girlfriend that I can marry soon. But I hate it," paliwanang niya habang nakahawak siya sa dibdib niya.
"So, naisip ko na kung may ipapakilala akong girlfriend sa kanila, ititigil na nila ang pagse-setup ng blind dates for me. 'Coz you know? I'm not interested at all!" reklamo niya.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...