Nagkakape ako ngayon sa mesa namin habang kumakain ng mainit na pandesal. Kagigising ko lang at may duty ako kay Aling Mona mamayang tanghali.
"Lilianne."
Napatingin ako kay Kuya Lucas na siyang tumawag sa'kin. Mukhang galing siya sa labas.
"Package daw para sa'yo," sambit ni Kuya sabay bigay sa'kin ng isang malaking brown envelope na may balot din ng packaging tape. At sa harap nga nito ay nakalagay ang address namin at pangalan ko.
"Oh, galing pala kay Jennie," saad ko nang makita ko ang pangalan ng sender.
Pinunit ko na ang envelope at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman nito.
"Wow. Heto na 'yong magazine," mangha kong sambit. Habang si Kuya Lucas naman ay nakikiusyoso rin.
A3 ang paper size niya at ang cover ay makapal na glossy paper at ang loob ay glossy paper din pero mas manipis.
"Ayan ba 'yong pinag-model-an niyo nina Rosemarie at..." Napahinto sandali si Kuya tapos ay nagsalita siya muli, "M-Margaux?"
Banggitin pa lang niya ang pangalan ni Marce, mukha na siyang kabado at namumula na ang mga pisngi niya.
Ngumisi ako, "Oo. Andito rin si Marce."
Napangiti naman si Kuya habang nakaikom ang labi niya. Tapos ay binuklat ko na ang magazine. Ang nasa cover ay 'yong top model nilang half-Polish. Grabe, sobrang ganda niya. Mukha siyang real-life Barbie dahil matangkad siya, snow white skin, skinny waist, long legs, at blonde hair.
Tatlong araw na mula nang nag-photoshoot kami para rito. At ngayon ang product launch event ng sleepwear collection ng company ng pamilya ni Jennie.
Hindi naman kami makakapunta sa event dahil may mga trabaho kami.
"Ate Lili!"
Napatingin naman ako kay Leon nang tawagin niya ako. Kalalabas lang niya ng kuwarto at nakabihis na siya ng school uniform.
"Papasok na ako," sambit niya.
"Kuya Lucas, baon ko." Tapos ay nilapitan niya si Kuya sabay sahod ng kamay nito sa kanya.
Pagkaabot ni Kuya Lucas ng one hundred pesos kay Leon ay nakiusyoso na rin ito sa magazine na hawak ko.
"Ate, 'yan na ba 'yong modeling na raket mo no'ng nakaraan?" usisa ni Leon.
"Oo, eto nga."
Sakto namang mga sexy sleepwear ang bumungad nang tumingin si Leon kaya dali-dali ko namang tinakpan ang mga mata niya.
"Bawal sa'yo 'to. Bata ka pa," sambit ko.
"Ate naman eh. Eighteen na kaya ako," katwiran naman niya.
"Kahit na. Bata pa rin 'yon."
"Legal age na kaya 'yon."
"Ah basta."
Binuklat ko agad ang magazine nang tanggalin ko ang mga kamay kong nakatakip sa mga mata ni Leon.
"Aba, Ate. Ikaw ba 'yan?" manghang sambit ni Leon habang nakatingin sa magazine.
"Oo," sagot ko.
"Ang ganda! Puwede ka rin pala sa modeling, Ate!"
Tumawa naman ako, "Pero ayaw ko."
"Nakita na ba 'to ni Kuya Rhys?" tanong niya bigla.
Para namang saglit na kinapos ako nang hininga nang marinig ko ang pangalan ni Rhys.
"Ah...oo. Siguro? Kasi lahat naman kami may copy nitong magazine," sagot ko.
No'ng araw na 'yon, matapos niyang ihatid pauwi sa kanila si Rosie ay binalikan niya ako at hinatid dito sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/273305777-288-k900835.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...