Chapter 13: Crush

52 6 64
                                    

"Mommy, what brings you here?" nagtatakang tanong ni Rosie sa mama niya.

"What kind of question is that, Rosemarie? I'm just checking up on you. I'm your mother. Is that wrong?" sambit naman ni Tita Cecilia.

"N-No, Mom. It's not what I meant. It's just...I wasn't expecting that you will come over here," sagot naman ni Rosie. At mukhang namutla ang mukha niya habang kausap ang mama niya.

Halata ang pressure kay Rosie na para bang masungit niyang boss ang kaharap niya. Hindi siya makatingin nang deresto rito at panay ang kapit ni Rosie nang mahigpit sa palda ng dress niya.

"Rosie, it's your turn na-" Natigilan naman si Jennie nang magtagpo ang mga mata nila ni Tita Cecilia na para bang nakakita siya ng multo.

"M-Mrs. Mendez..." tanging nasambit na lang ni Jennie at parang hindi na rin siya mapakali.

Habang si Tita Cecilia naman ay tinataas-taasan lang ng kilay si Jennie.

"So, totoo pala na kinuha mo talagang model ang anak ko. I thought it was just a lie," mataray na sambit nito kay Jennie.

Nakakatakot na nakaka-intimidate ang aura ni Tita Cecilia. Para siyang malupit at matapobre mong madrasta na kapag nagkamali ka, hindi siya magdadalawang-isip na palayasin ka.

Hindi naman makaimik sina Jennie at Rosie na tila hindi rin mapakali sa kanilang kinatatayuan. Tumayo naman si Rhys at nilapitan ang ina.

"Mom, stop it. Rosie is just working to help her friend," pagkumbinsi ni Rhys sa ina.

Inikot ni Tita Cecilia ang mga mata niya nang ilipat ang atensyon kay Rhys.

"Isa ka pa, Rhysander. Palagi mong kinukunsinti ang kapatid mo sa mga kalokohan niya. You're older than her. Ikaw dapat ang nasaway sa kanya," maawtoridad nitong sambit sa anak.

Napahawak na lang si Rhys sa kanyang sentido, "Y-Yeah. Okay, okay. I'm sorry. But we're not making something silly, right? We're working," paliwanang ni Rhys sa ina.

Seryoso lang ang mukha ni Tita Cecilia habang pinaglilipat ang paningin sa kanyang mga anak.

"Fine. I'll let this slip for now. Pero maaga kayong uuwi ngayon, okay? Pagkatapos nito, deretso uwi na agad kayo. Understand?" mahigpit na bilin nito sa mga anak.

"Yes, Mom," sagot ng magkapatid.

Pagkatapos ay nagmartsa na palabas ng studio si Tita Cecilia.

Para namang nawala ‘yong bigat ng tensyon sa paligid pag-alis niya at napahinga kami nang malalim.

Agad namang nilapitan ni Rhys si Rosie at hinagod-hagod nang marahan ang likod nito para gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya.

"It's okay. Let's just finish this quick, okay?" sambit ni Rhys sa kapatid.

Tumango lang si Rosie bilang sagot.

"I'm sorry, Rosie," sabad naman ni Jennie.

"Don't say sorry. It's not your fault," tugon naman ni Rosie sabay ngiti nang tipid.

"Pero nakakaloka talaga 'yang mama mo, ah. She's like a witch. Kung hindi mo lang siya mama, naku. Hindi ako para manahimik," saad naman ni Jennie sabay ekis ng kanyang mga braso sa dibdib.

Tumawa lang nang pilit si Rosie.

"You know that she doesn't trust you, right?" ani Rhys.

"Yeah, I know. But Rhysander, come to think of this. Mahigit ten years na kaming magkaibigan ni Rosie. Pero never namang sumama sa'kin 'yan kapag niyayaya ko siya sa mga gimmick ko. Besides, we're adults now," sagot naman ni Jennie sabay ikot ng mga mata.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon