"Papa? Ikaw ba 'yan?" tanong ko pa sa lalaking kaharap ko.
Pagkatapos ay tumindig siya para harapin ako nang maayos.
"Lilianne, anak..." sambit niya.
Tinitigan ko pa siyang mabuti para makasigurado.
"Papa..."
Pagkatapos ay nilapitan pa niya ako at dahan-dahang kinulong sa mga bisig niya.
"I'm sorry kung ngayon lang ako," aniya.
Pagkatapos ay pinakawalan niya ako mula sa pagkakayakap niya sa'kin at umupo sa sofa.
"Pa, anong nangyari? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko.
Mula no'ng umalis si Papa nang walang paalam 18 years ago, nawalan na kami ng balita tungkol sa kanya.
Tahimik lang sina Kuya Lucas at Leon, samantalang si Francis ay nasa tabi lang ni Mama at si Adam ay karga naman niya.
"Labingwalong taon, Pa. Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit iniwan mo kami nang walang paalam?" seryosong tanong naman ni Kuya Lucas.
"Naaalala niyo pa ba noong minadali ko kayong mag-empake ng gamit sa dati nating inuupahang bahay noon?" tanong ni Papa.
Tanda ko 'yon. Six years old lang ako no'n. Ginising kami ni Papa ng madaling araw. Pinag-empake ng gamit. At nagmadaling umalis.
"Hinahabol tayo noon ni Don Juancho.”
"Si Don Juancho? 'Yong inuutangan natin noon?" sabad naman ni Mama.
"Oo. Siya nga. Lumaki ang utang natin sa kanya mula nang ipanganak si Lalaine. Nagkaroon kasi ng komplikasyon noon sa matres ang Mama niyo. Tapos may komplikasyon naman noon sa dugo at kidney si Lalaine nang isilang siya. Kailangan namin ng pera. Pero hindi sapat ang kita ko noon bilang construction worker," kuwento pa ni Papa.
"Isang buwan din silang dalawa noon sa ospital. Mahal ang hospital bills, at ganoon din ang mga gamot. Sa kabutihang palad, gumaling silang dalawa. Pagkatapos, nangutang ulit ako ng kalahating milyon para mabili ang bahay na 'to para sa inyo. Dito ko kayo itinago, tapos ay ako na lang mag-isa ang umalis para iligaw sila at hindi nila kayo matunton," kuwento pa niya.
"Pagkatapos ay nakilala ko si Don Lemuel Lazaro. Sa kanya ako nagtrabaho bilang taga-manage ng rancho niya. Matandang mayaman si Don Lemuel. Wala silang anak ng asawa niyang si Doña Victoria dahil may sakit ito sa dugo at ovaries. Hindi siya puwede magkaanak."
"Hanggang isang araw, natunton ako nina Don Juancho. Hinabol nila ako at binugbog ng mga tauhan niya. Akala ko noon, wala na akong pag-asa pang mabuhay. Pero nahanap ako ng mga tauhan ni Don Lemuel at sinabi ko sa kanya lahat. Binayaran niya lahat ng utang ko kay Don Juancho at ang kapalit no'n ay ang maging kanang kamay niya."
Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig kay Papa. Ganoon pala ang pinagdaanan niya mula nang umalis siya rito.
"Eh bakit hindi mo kami kaagad binalikan kung bayad na pala ang mga utang mo sa Don Juancho na 'yon?" tanong ni Kuya.
"Isa 'yon sa mga kondisyon ni Don Lemuel. Hindi raw muna ako babalik, ni magpakita man lang sa inyo. Dahil gusto niya akong pag-aralin ng business management, mag-focus do’n at gawing tagapagmana niya."
Nandilat ang mga mata namin sa huling sinabi ni Papa.
"Tagapagmana?" tanong naming lahat.
"Oo. Natagalan ako dahil higit anim na taon akong nag-aral dahil nag-masters pa ako. Pagkatapos ay tinuturo niya sa'kin lahat ng technique at strategies sa pamamalakad ng business at ng isang kumpanya."
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...