Dalawang araw na pero hindi pa rin nauwi si Ate Lalaine. Hinahanap na siya ni Francis at hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Napilitan tuloy si Mama na mag-leave muna sa trabaho dahil walang maiiwan sa bahay para mag-alaga sa mga anak ni Ate.
Naglalakad ako ngayon at kagagaling ko lang sa NBI branch dito sa'min para kunin ang NBI Clearance ko. Nakapagpa-print na rin ako ng CV. Tapos nagpa-appoint na rin ako online sa DFA para sa passport.
Isa kasi ito sa mga requirements na kailangan ko para makapag-abroad. Nasabi ko na rin 'to sa pamilya ko at okay lang daw sa kanila.
Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Kinuha ko naman ito agad at tiningnan kung sino.
"Hello, Jennie," sagot ko sa phone.
"Sakura, nasaan ka?" tanong niya sa'kin sa kabilang linya.
"Uhm, papunta akong sakayan ng jeep. Pauwi na ako sa'min."
"Okay. Hintayin mo 'ko diyan. Papunta na ako."
Nabigla naman ako sa sinabi niya, "Ha? Agad-agad? Pero—"
"Bye!" huli niyang sabi bago ibaba ang phone.
Pasaway talaga. Ano na naman kayang kailangan ng babaeng 'yon?
Wala na tuloy akong nagawa. Huminto na lang ako rito para hintayin si Jennie.
Pambihira 'tong babaeng 'to. Hindi ba siya busy?
Ilang sandali pa ay may humintong pulang kotse sa harap ko.
"Sakura! Hop in!" utos sa'kin ni Jennie pagbaba niya ng bintana sa kotse.
Wala na rin naman akong nagawa kaya't sumakay na lang ako sa passenger seat ng sasakyan niya.
"Ano na naman bang kalokohan 'to, Jennica?" inis kong tanong.
"Chill, Sakura. We're just having snack somewhere," sagot niya.
"Hi, Lili!"
Napatingin naman ako sa backseat at nandilat ang mga mata ko nang makita ko si Marce.
"Marce?"
Naka-teacher's uniform pa siya. Halatang pinuntahan kaagad siya ni Jennie sa school pagkatapos ng klase.
"Ikaw, pati si Marce kinidnap mo na," sambit ko kay Jennie.
Tumawa naman si Jennie, "Ang ganda ko namang kidnapper, 'no."
---
Pumunta kami sa isang restaurant. Mukhang may kamahalan din dito. Malaki ang lugar at may second floor. Dito lang kami sa baba katabi ng glass wall.
Brown and white ang motif ng buong resto. Polished wood ang tables at kulay white ang couch na gawa sa leather.
Um-order kami ng food and drinks. Iced lemonade kay Jennie, mango shake kay Marce, at iced tea naman ang akin.
"Oh, ano na namang hanash mong babae ka?" tanong ko kay Jennie.
Magkatabi kami ni Marce samantalang nasa harap namin si Jennie.
"Kagagaling ko lang sa office. And you know what? Doon mismo ako sa sarili kong opisina inaway-away ng magaling kong kapatid. Kaya sobrang nai-stress talaga ako," kuwento ni Jennie.
"Umuwi na pala si Odette? Akala ko nasa America siya?" usisa ko.
"Yeah. She just arrived a month ago," sagot ni Jennie sabay higop sa iced lemonade niya.
"Kaya ayaw ko munang dumeretso sa bahay. Nauumay ako sa pagmumukha ng Odette na 'yon. Sana bumalik na siya sa States as soon as possible," dagdag pa niya at bakas sa mukha ni Jennie ang labis na inis para sa kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/273305777-288-k900835.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
Romanzi rosa / ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...