Alas nuebe na ng umaga pero nakahiga pa rin ako ngayon sa kama ko at kagigising ko lang. Pero ayos lang naman dahil day-off ko ngayon.
Kinapa ko ang bandang ulunan ko para kunin ang phone ko. Nang makapa ko 'to ay hinablot ko 'to at tiningnan kung nag-ingay ba sila sa GC namin.
Pag-open ko ng inbox ay nakita ko ang convo namin ni Rhys. Limang araw na agad ang lumipas mula no'ng huli naming convo rito. At 'yon din ang araw na huli kaming nagkita.
Malaki-laki nga ang binayad niya sa'kin matapos ng araw na 'yon na nagpanggap akong si Lisa Costales na girlfriend niya. D-in-eposit niya 'yon sa account ko. 'Yong bank account na 'yon ay ginawa ko lang noon nang magtrabaho ako bilang cashier sa isang department store. Doon dinadaan ang sahod namin.
"Kumusta na kaya si Rhys? Mukhang busy yata siya masyado," usal ko sa sarili ko.
Napansin ko namang hindi ko pala na-on ang data ko kaya't in-open ko 'to agad. Nagulat naman ako sa sunod-sunod na dating ng messages sa GC namin kaya naman binuksan ko 'to agad para mabasa.
Napakunot naman ang noo ko nang mag-backread ako.
"May emergency meeting?" kunot-noo kong tanong habang nakatitig sa screen.
Nag-message kasi si Jennie na may emergency meeting daw kami sa tambayan naming café mula no'ng high school pa kami.
Sabi pa niya, see you after thirty minutes.
"Ngayon na talaga?" usal ko pa.
Sa bagay, day-off naman ako ngayon. Emergency meeting ang tawag namin kapag kailangan naming magkita-kitang apat dahil may problema o kaya naman ay may humihingi ng tulong na isa sa'min.
Ano kayang kailangan ni Jennie ngayon?
Mayamaya lang ay nag-pop ang message ni Marce.
Margaux Celestine: Lili, papunta ako diyan ngayon sa inyo. Sabay na tayo pumunta sa café.
Pagkabasa ko pa lang no'n ay agad na akong tumayo at tumakbo papalabas ng kuwarto ko.
"Oh, Lilianne. Bakit mukhang nagmamadali ka?" tanong ni Kuya Lucas nang makasalubong ko siya.
"Magkikita-kita kasi kami ngayong apat sa tambayan namin noong high school," sagot ko.
"Ah, okay," sagot niya.
"Kailangan ko nang maligo. Kuya, papunta rito si Marce. Ikaw na muna bahala pagdating niya ha?" bilin ko naman.
"S-S-Si M-Margaux?" nauutal na sambit ni Kuya na tila hindi makapaniwala.
"Oo. Si Margaux."
Hahakbang na sana ako papuntang banyo nang pigilan ako ni Kuya.
"Teka lang, Lilianne!"
"Bakit ba?" inis kong tanong.
"Ako muna maliligo," sambit niya sabay takbo.
"Ano? Bakit? Hindi ka pa ba naliligo?" inis ko pang tanong.
"Naligo na ako! Maliligo lang ako ulit!" sagot niya mula sa banyo.
Napabuntonghininga na lang ako sabay iling.
Pero mayamaya lang ay natawa ako. Si Kuya Lucas talaga. Alam ko naman noon pa na crush niya si Marce. Nuknukan lang talaga siya ng torpe.
Wala siyang lakas ng loob kasi feeling niya hindi deserve ni Marce ang isang tulad niya. Mababa ang tingin niya sa sarili niya dahil mahirap lang kami. Imposible raw na magustuhan ng gaya ni Marce ang isang tulad niya.
Ika nga niya, prinsesa raw si Marce at siya ay dukha. Ilang beses ko nang pinalakas ang loob niya pero wala talaga. Masyado silang matatag ng katorpehan niya.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...