Chapter 2: Unexpected Message

50 7 40
                                    

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama sabay buntonghininga. Nakakapagod. Kauuwi ko lang galing duty sa eatery ni Aling Mona.

Halos wala pa akong tulog. Graveyard shift ako sa convenience store. Umuwi ako ng ala sais ng umaga kanina at natulog nang kaunti.

Tapos gumising ako ng tanghali para pumasok kina Aling Mona dahil tanghali hanggang seven ng gabi ang duty ko naman do'n.

Ang maganda lang kapag panghapon ang duty ko sa kanya, pinapauwi niya sa'kin 'yong mga tinda niyang ulam na natira. Tapos 'yon ang hapunan namin dito sa bahay.

Inangat ko ang mga kamay ko at pinagmasdan ang mga ito habang ginagalaw-galaw ang mga daliri ko. Napagod ang mga kamay ko sa paghuhugas ng pinggan kanina.

Kinuha ko naman ang phone ko na nasa ulunan ko lang. Medyo luma at outdated na ang phone ko na 'to dahil secondhand lang din naman 'to at nabili ko lang sa isang online seller.

Binuksan ko ang data ng phone ko at nagdatingan ang notifications sa messenger ko. Pero sa GC lang naman naming magkakaibigan ang laman ng inbox ko.

Minsan mga iilang pm's din mula kina Rosie, Jennie, at Marce pero bihira lang dahil sa GC talaga kami nag-uusap-usap.

In-open ko na ang GC namin para magbasa ng chats.

#PrettyCrazyGirls

Mini: Hi, guys! Kumusta kayoooo? 😄

Margaux Celestine Espinosa Cabrera ang FB name niya. Oh 'di ba buong-buo? Tapos Mini ang nickname ni Marce sa GC. Dahil siya ang pinakamaliit sa'min.

Princess: Heto, okay lang. A bit tiring dahil maraming ganap sa company. How about you?

Rosemarie Camille Mendez ang FB name niya, tapos Princess ang nickname niya sa GC dahil siya si 'Ms. Perfect' sa'min. Parang isang prinsesa.

Goddess: Mag-relax naman kasi kayo, girls! Hello? Palagi ko kayong niyayaya na sumama sa'kin to have fun. But all of you are sooooo busy! Duh? 😒

Jennie Valdez ang pangalan niya sa FB. Ayaw gamitin ni Jennie ang buong pangalan niya, lalo na ang apelyido ng tatay niya dahil galit talaga siya ro'n. Kaya apelyido ng mama niya ang gamit niya palagi, maliban na lang for legal purposes.

Tapos Goddess talaga nilagay niyang nickname sa sarili niya dahil GGSS ang bruha. Well, maganda naman talaga si Jennie. Model or beauty queen material.

Sa pagkakaalala ko pa, nagpa-part time model siya noong college. Iyon nga lang, ayaw ng papa niya. At isa rin 'yon sa mga pinag-aawayan nila noon.

Napabuntonghininga ako. Ewan ko ba sa papa ni Jennie. Lakas amats yata.

Goddess: Oh. Bakit seenzone lang si Sakura? 😏

Napabuntonghininga ako. Heto na naman ang bruhang si Jennie.

Sakura: Wala akong signal.

Lili Lopez lang ang gamit kong pangalan sa FB. Pero Sakura ang nickname ko sa GC. Walangya kasi si Jennie. Si Jennie pati talaga ang promotor sa paglalagay ng mga nickname namin sa GC.

Goddess: Weh? Baka kasi free data ka lang? 😏😂

Sakura: Ewan ko sa'yo. Buwisit ka.

Goddess: Ahuhu. Pikon na si Cherry blossom. 🤧😂

Natawa na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong bruha na 'to.

Sakura: Ewan ko sa'yo, Jennica.

Goddess: 😂😂😂😂

Sakura: Kauuwi ko lang galing duty sa eatery. Kapagod nga eh. Daming platong hinugasan. Haha.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon