Chapter 19: With You

37 4 29
                                    

Nagmadaling umuwi si Rhys pagtawag ng mommy niya. At kasama niya ako. Nandito kami ngayon sa sala nila at kaharap ang mga magulang ni Rhys. Samantalang si Rosie naman ay nakatayo lang sa may tabi ng hagdan habang pinapanood sila.

Bakas din sa mukha ni Rosie ang labis na pag-aalala para sa kapatid.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Rhys at ng mommy at daddy niya dahil sa mabigat at masamang tingin nila rito. Hindi naman makatingin nang deretso si Rhys sa mga magulang niya at halata ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya.

"What is this all about, Rhysander? Ha?" galit na tanong ni Tita Cecilia sabay bato ng papeles sa mukha ni Rhys na kinagulat ko nang sobra.

"How come na hindi mo nakuha ang yes ni Sherie Amour bilang bagong brand ambassadress natin? Ha?" sa tinis ng mataas na boses ni Tita Cecilia at halata mo ang panggagalaiti niya kay Rhys.

Habang si Rhys naman ay nakayuko at tahimik lang.

"Sa'yo namin ipinagkatiwala ang deal na 'yon, Rhysander. But what happened? Binigo mo na naman kami!"

"I-I'm sorry, Mom. N-naunahan kasi ako ng L-"

"I don't care! You're just making up excuses again dahil sa kapabayaan mo! I'm so disappointed to you, Rhysander," usal pa ni Tita Cecilia.

"I-I'm sorry..." Iyon na lang ang tanging nasasabi ni Rhys.

Ramdam ko ang hirap ng damdamin ni Rhys ngayon. Kung puwede ko nga lang sila na awatin, ginawa ko na. Pero hindi ako puwedeng makialam sa family affairs nila.

Napatingin naman ako kay Rosie. Titig na titig siya sa kanyang kapatid at ina. At kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala para sa kapatid. At ang mga mata niya. Mukhang maluluha na si Rosie at pinipigilan lang niya.

Sa tingin ko, naghihirap din ang damdamin ngayon ni Rosie habang pinapanood ang kapatid at wala siyang magawa para tulungan ito.

"Your sorry won't fix anything, Rhysander," seryosong sambit ni Tita Cecilia sabay nagmartsa ito paalis at umakyat ng hagdan.

"Lisa."

Natinag ako nang tawagin naman ako ni Tito Renato.

"I hope this won't leak on media. Hahayaan mo bang masira ang image ng boyfriend mo?" Mahinahon naman ang pagsasalita niya pero nararamdaman ko ring may halo itong pagbabanta.

Hindi ako makaimik at makatingin. Na-tense ako bigla. Kaya naman tumango na lang ako bilang sagot.

"Good. Mukhang nagkakaintindihan naman tayo," tugon nito. Tapos ay tumingin siya kay Rhys.

Binigyan niya lang ito ng masamang titig bago umalis at umakyat pataas. Nang tuluyan nang umalis ang mga magulang nila ay agad na lumapit sa'min si Rosie.

"Kuya Rhys..." pag-aalala ni Rosie sabay hawak niya sa braso nito.

Tumingin si Rhys kay Rosie at hinawakan ang kamay nito.

"I'm fine," sambit ni Rhys nang may pilit na ngiti.

"No, you're not."

"I will be," sagot ni Rhys.

"Lisa, let's go," sambit sa'kin ni Rhys. Tapos ay binitiwan niya ang mga kamay ni Rosie at naglakad paalis.

"Lili," pabulong na tawag sa'kin ni Rosie. At nang lingunin ko siya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Ikaw muna ang bahala kay Kuya, please. I know na pupunta siya sa condo niya para magpalipas ng sama ng loob. Samahan mo muna siya. Hahanap lang ako ng chance na makalabas para puntahan siya mamaya," pakiusap niya sa'kin.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon