Katatapos lang ng duty ko sa eatery ni Aling Mona ngayong tanghali. Paglabas ko ay may narinig kaagad akong tumawag sa'kin.
"Lilianne!"
Huminto ako sandali at nilingon ang tumawag sa'kin.
"Rhys."
Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan niya. Ngumiti siya at kumaway sa'kin. Ako naman ay lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Duh? Have you forget?" mataray nitong sambit.
Napaisip naman ako sandali saka ko naalala na may usapan pala kami.
"Uhm. Oo nga pala. Sorry, nawala sa isip ko," sagot ko nang may pilit na ngiti.
"O siya, let's go!"
Tapos ay pinapasok niya ako sa sasakyan niya. At nang sumakay siya sa driver's seat ay umalis na kami.
Makalipas naman ng ilang minuto ay nakarating kami sa isang malaking building. Mukha itong condominium unit building. P-in-ark ni Rhys ang sasakyan niya sa basement parking lot.
Pagbaba ni Rhys ay sumunod na rin akong bumaba.
"Teka, Rhys. Nasaan ba tayo?" usisa ko.
"We will go to my condo unit," sagot nito.
Pagpasok namin ng building ay sumakay kaagad kami ng elevator. Pagsara naman ng elevator ay pinindot ni Rhys ang number 5 button.
"May condo unit ka pala?" usisa ko naman.
Tumawa nang bahagya si Rhys, "Actually, I just bought this one last year. And! Of course, my parents don't know about this."
"Talaga? Pero si Rosie, alam niya?"
"Yeah, of course."
Mayamaya lang ay bumukas na rin ang elevator at napansin kong nakarating na kami ng fifth floor.
"Bakit mo naman naisipang bumili ng condo?" usisa ko muli paglabas namin ng elevator.
"You know what, Lili girl? I need some alone time too. Time for me to think about things in my life. And also to unwind after a long, stressful day," sagot niya.
Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad kami ni Rhys sa hallway. Mayamaya lang ay napansin kong huminto siya kaya naman gano'n din ako.
May tinigilan siyang isang malaking pinto na kulay wooden brown at namangha naman ako sa security system ng pinto. Kailangan mong mag-insert ng four-digit code.
Matapos 'yon gawin ni Rhys ay binuksan na niya ang pinto at pumasok na kami.
Namangha naman ako sa ganda ng interior ng condo ni Rhys. White and grey ang motif. May malaking flat-screen TV sa sala na nakapatong sa isang white na TV rack. Kulay off-white naman ang couches niya at kulay grey ang carpet niya na nakalatag sa makintab na sahig niyang itim na gawa sa marmol.
"Have a seat," alok niya na sinunod ko naman habang hindi mapigil ang mga mata ko sa paglibot sa paligid.
Pasimple akong lumundag nang nakaupo sa couch niya at napangiti ako sa sobrang lambot nito. Hindi kasi ganito 'yong amin. Tagpi-tagpi na 'yon tapos mga basahan lang ang laman.
Nakita ko namang dumeretso ng kusina si Rhys. At mukhang maganda rin ito. May mini bar pa.
Napansin ko rin na may staircase dito. Siguro kuwarto 'yong nasa taas.
"Ang ganda..." mangha kong sambit.
May kalamigan din dito dahil bukas ang AC. Maaliwalas at presko ang paligid. Tahimik din. Kung ako rin ang nasa kalagayan ni Rhys, ganito rin ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...