Tumawa nang kaunti si Sir Renato, "Don't call me in a formal way. Just call me Tito."
Costales ang middle name ko at 'yon ang pinagamit sa'kin ni Rhys.
Tumawa rin ako nang bahagya, "Okay. Nice to meet you, Tito Renato."
Pagkatapos ay ngumiti ito.
"Hello, Lisa," bati naman ng mama ni Rhys nang nakangiti.
"Hello, Ma'am Cecilia," bati ko naman.
"Quit the formality, hija. Just call me Tita."
Nabigla naman ako sa mahinahong tugon ng mama ni Rhys.
"H-Hello, Lisa..." bati naman ni Rosie.
Halata ko ang kaunting pagkailang sa kanya. Dahil kung tutuusin, kasabwat na rin namin siya rito.
"Hello. You must be Rhys' sister, Rosemarie," sambit ko.
"Yeah. But just call me Rosie."
"Okay. Nice to meet you, Rosie."
Pagkatapos ay ngumiti si Rosie at napansin kong parang nagpipigil siya ng tawa. Kaya't gano'n din ako dahil alam ko ang nasa isip niya.
"Oh, take your seats," sambit bigla ni Tita Cecilia.
Naupo naman kami ni Rhys sa kanang bahagi ng mesa nang magkatabi. Habang nasa harapan naman namin sina Tita Cecilia, Rosie, at Eunice.
"By the way," saad ko bigla.
"Who is she?" tanong ko sabay turo kay Eunice.
Kunwari hindi ko pa siya kilala. Pero ang totoo niyan, pinakita na sa'kin ni Rhys ang picture niya at binigyan ng warning tungkol sa kanya.
"Oh, she's Eunice Herrera. She's our son's closest friend," sagot ni Tita.
"Tita Cecilia was right. I am the closest to Rhys. So, who are you?" mataray nitong sambit at pinagdidiinan talaga niya 'yong salitang closest.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Haven't you heard kanina? I am Rhys' girlfriend," sagot ko nang pinagdidiinan ang salitang girlfriend.
Nagpalitan na kami ni Eunice ng matatalim na tingin at mukhang walang may balak na sumuko sa'min.
May hitsura naman si Eunice. Medyo payat siya, maputi, chinita, matangos ang ilong, hanggang likod ang tuwid niyang buhok, at maliit lang siya nang kaunti kay Rosie.
"Tama na 'yan. Let's eat," sabad bigla ni Tito Renato.
Pagkatapos ay nagkanya-kanya na kaming kuha ng pagkain.
"What do you want, baby? Ako na kukuha para sa'yo," sambit bigla ni Rhys.
Napansin ko naman kaagad ang reaksyon ng mukha ni Eunice. Mukha siyang inis na inis at iritable.
Tinuon ko naman ang atensyon ko sa mga pagkain sa mesa.
"Hmm. Siguro this roasted turkey na lang and this spring roll," sagot ko.
Pagkatapos ay kumuha nga si Rhys ng mga pagkain na 'yon at inilagay sa plato ko.
"I think naparami ang lagay mo," komento ko.
Tumawa nang bahagya si Rhys, "Why? Are you on a diet?"
"Well, hindi naman sa gano'n..."
"Baby, hindi ka naman agad tataba diyan. Besides, kahit tumaba ka pa, I'll still love you the way I did since day one," sambit ni Rhys nang nakangiti habang nakahawak sa kamay ko na nakapatong sa mesa.
Natigilan ako sandali habang nakatitig sa mga mata ni Rhys. Tapos mayamaya lang ay natawa ako kaya gano'n din siya.
Nababaduyan ako sa ginagawa namin pero at the same time, komportable rin ako. Siguro kasi inaalalayan ako ni Rhys.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...