Nandito na kami ngayon sa bahay namin. Nasa sala kami ngayon at nakaupo nang magkaharap. Magkatabi kami rito ni Rhys habang nasa harap namin nakaupo ang mga kapatid ko.
At ang sama ng tingin nila kay Rhys. Habang si Ate Lalaine naman ay ngingisi-ngisi pa. Parang tuwang-tuwa pa siya na papagalitan kami ni Kuya Lucas.
"So, sinasabi mong ikaw ang kuya ng kaibigan ni Lilianne na si Rosemarie?" seryosong tanong ni Kuya Lucas kay Rhys.
"Yeah, right. That's me," sagot naman ni Rhys na tinatago ang pagiging tensed.
Ako naman ay hindi mapakali. Para pang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko. Sabayan pa ng panginginig ng kamay ko. Hindi ko alam kung paano namin ito ipapaliwanag sa pamilya ko.
"Base sa nakita kong ginagawa niyo sa park kanina, sa tingin ko may namamagitan sa inyo," seyosong sambit ni Kuya.
Kung alam lang niya. Gawain talaga 'yon ng baklang 'to. Wala kasi siyang mahabang buhok.
"Girlfriend mo ba ang kapatid ko ha, Rhysander?"
Nandilat ang mga mata ko sa naging tanong ni Kuya Lucas. Nataranta naman ako kaya't sumingit ako bigla.
"H-Hindi, Kuya! Ano kasi—"
"Yeah. I'm dating your sister," sabad bigla ni Rhys sabay hawak niya sa kamay ko.
Nandilat ang mga mata naming lahat dahil sa sinabi niya. Lalo na ako. Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko.
Lalo tuloy akong naguluhan. Inuga ko ang kamay ni Rhys na nakahawak sa'kin. At nang mapatingin siya sa'kin ay pinandilatan ko siya ng mata. Pagkatapos ay binalik ulit ni Rhys ang tingin niya kay Kuya.
"Kailan pa, ha? Lilianne, kailan pa kayo ng lalaking 'to? At bakit hindi mo siya dinadala rito sa bahay para ipakilala man lang sa'min, ha?" inis na tanong ni Kuya Lucas.
"A-Ano kasi...Kuya—"
"I'm sorry kung ngayon lang namin nasabi. Actually, balak naman talaga naming sabihin sa inyo. Natiyempo lang kami. Heto kasing si Lilianne ko masyadong mahiyain," sagot ni Rhys na nangingiti-ngiti pa.
Tapos ay tumingin siya sa'kin, "Right, baby?"
Pinandilatan ko ng mata si Rhys at pinagsalin-salin ko ang tingin ko sa kanila ni Kuya Lucas.
Tumango-tango na lang ako, "O-Oo. G-Gano'n na nga. P-Pasensya na, Kuya..."
Napabuntonghininga si Kuya Lucas sabay iling.
"So, kailan pa 'yang relasyon niyo ha?" tanong pa niya.
"I've been dating your sister for two weeks already," sagot ni Rhys.
"Kita mo na? Two weeks na pala kayo," seryosong sabi naman ni Kuya.
Napayuko na lang ako, "S-Sorry, Kuya..."
"I'm sorry for that, Lucas," sabad naman ni Rhys.
Pagkatapos naman ng naging paghaharap na 'yon nina Rhys at ng kuya ko, inihatid ko na si Rhys sa labas ng bahay namin.
Malayo-layo kami nang kaunti sa bahay namin at nasa tabi na kami ngayon ng sasakyan ni Rhys.
Napansandal ako bigla sa sasakyan niya. Pakiramdam ko kasi nanghihina ako.
"Paano na 'yan, Rhys? Patong-patong na ang kasinungalingan natin," sambit ko habang nakasapo sa noo ko.
"We don't have a choice, Lili girl."
"Besides, it's easier to say and to explain kaysa sa pagiging fake girlfriend mo. Baka isipin lang nila, lalo na ng kuya mo na I'm taking advantage of you," aniya pa.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...