Rosemarie Camille: Lili? Can we talk?
Lili: Ano 'yon, Rosie?
Rosemarie Camille: I'm sorry kung dinamay ka ng kuya ko sa problema ng family namin. Sorry talaga, Lili. Just cut-off your deal whenever you want. It's totally fine. I've already talked to Kuya Rhys.
Lili: Okay lang, Rosie. Sakto nga 'yong offer ng kuya mo eh. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya. 😊
Rosemarie Camille: Are you sure about that, Lili? Or napipilitan ka lang? Just tell me.
Lili: Hindi naman, Rosie. Okay lang talaga. Huwag ka nang mag-alala. 😊
Rosemarie Camille: Sure ka ha? Basta always remember na okay lang na i-cut off mo 'yong deal niyo ni Kuya. It's totally okay. Ayaw kong madamay ka o kahit sino sa inyo sa gulo ng family namin. Okay, Lili? 😕
Lili: Okay, Rosie.
Rosemarie Camille: Promise me.
Lili: Promise.
Rosemarie Camille: 🥰
'Yan ang naging usapan namin ni Rosie nang gabing pinakilala ko sa pamilya ko si Rhys bilang boyfriend ko. Napakabait talaga niya. Minsan talaga iniisip ko na literal siyang anghel.
Hindi niya alam, ginagawa ko rin ito para hindi malayo si Rhys sa kanya. Alam kong labis na malulungkot si Rosie kapag pinaglayo sila ng kuya niya.
Kagigising ko lang dahil kauuwi ko lang kaninang ala sais ng umaga mula sa shift ko sa convenience store.
Nakita ko ang oras at tanghali na pala. Alas dose pasado na. Nagugutom na rin ako. Hindi pa rin ako nakain mula no'ng dumating ako. Dumeretso kaagad ako rito sa kuwarto para matulog.
Kahit tinatamad pa ay bumangon ako mula sa kama ko at lumabas ng kuwarto. Tapos ay siya namang dating ni Mama. May dala-dala siyang malaking ecobag.
"Oh, Lilianne. Gising ka na pala," sambit ni Mama matapos niyang ilapag sa mesa lahat ng pinamili niya.
Nasa sala lang si Ate Lalaine habang tutok na tutok sa phone niya at tatawa-tawa. Tapos si Adam naman ay nasa kuna niya at nanonood ng cartoons sa TV.
Sina Leon at Francis ay nasa school pa. Habang si Kuya Lucas naman ay nasa trabaho pa niya.
"Heto na po 'yong iba niyong pinamili."
Nagulat ako sa lalaking biglang pumasok at nagsalita na 'yon na may dala-dala ring malaking ecobag. Pakiramdam ko nagising ang natutulog ko pang diwa.
"Naku, hijo. Maraming salamat. Nakakahiya naman, hinatid mo pa talaga ako rito," ani Mama.
Nandidilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya, "Rhys?"
"Oh. Hi, Lilianne," bati niya sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito? Saka bakit kasama mo ang mama ko?" usisa ko.
Pinagsalin-salin ni Mama ang tingin niya sa'min ni Rhys, "Magkakilala kayo?"
Bigla naman akong nailang. Napakamot tuloy ako sa batok ko.
"A-Ano kasi, Ma..."
"Boyfriend 'yan ni Lilianne, Ma," sabad naman bigla ni Ate Lalaine.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mama habang pinagsasalitan ang tingin niya sa'min ni Rhys.
"Totoo ba 'yon, anak? Boyfriend mo nga ang binatang ito?" tanong ni Mama na mukhang hindi makapaniwala.
Napaikom tuloy ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ni Mama. Kinakabahan ako.

BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
Literatura Feminina[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...