Nang makuha ko na ang buong details ng order ng kausap ko sa phone at delivery address ay ibinigay ko na ito kay Iñigo.
"For delivery ito," sambit ko.
"For delivery? Ay shoot! Walang delivery man na pumasok ngayon. Paano 'yan?" pag-aalala ni Iñigo.
"Kelly! For delivery ito. Puwede ba si Sir Errol?" tanong ni Iñigo kay Kelly habang nakadungaw siya mula sa kusina.
"Naku, wala si Sir Errol."
"Ha? Paanong wala? Nasa office lang siya, 'di ba?" pagtataka ni Iñigo.
"Nakita ko si Sir Errol kanina lumabas. Tapos hindi pa rin nabalik hanggang ngayon," sagot ni Kelly habang abala rin sa pagsisilbi sa customer.
"Naku paano 'yan? Hindi ako puwede umalis dito. Hindi naman marunong si Kelly mag-manage ng kusina."
"Ako na lang. Ako na lang magde-deliver. Tutal alam ko naman ang address na 'yan," suhestyon ko.
"Ha? Kaya mo ba i-drive 'yong mataas na motor?"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Iñigo.
Tila narinig naman kami ni Kelly. "May e-bike scooter diyan. 'di ba? Baka kaya 'yon ni Lilianne," sambit niya.
"Ay oo nga, 'no? 'Yong pink na e-bike scooter. Ayun. Baka kaya mo i-drive 'yon. Mababa lang 'yon at hindi kailangan ng lisensya," sambit ni Iñigo.
"Sige. 'Yon na lang," sambit ko.
Tapos ay pumasok na ulit si Iñigo sa loob ng kitchen para gawin ang order. Binalikan ko rin muna si Kelly para tulungan siya habang ginagawa pa ni Iñigo ang order na for delivery.
Mukhang mga staff nila Rosie ang nag-order ng meryenda. Apat na milktea na magkakaiba ang flavor at isang dosenang donuts ang order nila.
Makalipas naman ng ilang minuto ay lumabas ng kusina si Iñigo dala-dala ang orders na for delivery.
"Oh ito. Check muna natin bago ka umalis. Isang caramel brown sugar, isang chocolate, isang wintermelon, at isang Okinawa. Tapos one dozen of classic donuts," sambit ni Iñigo habang tsine-check ang orders at ako naman ay nakatingin sa listahan para tingnan kung tama nga ang mga 'to.
"Okay. Tama lahat," sagot ko.
Bumuntonghininga si Iñigo, "Karamihan kasi sa mga empleyado ni Sir Errol ay part-time lang. Tapos 'yong iba, pasaway pa. Mahilig um-absent. Mabuti na lang mabait 'yong tao."
Napatango na lang ako sa sinabi niya.
"'Yong pink na helmet ang kunin mo sa ilalim ng cash register. Tutulungan kitang ilagay ang mga 'to sa food delivery bag," sambit ni Iñigo.
Kinuha ko nga 'yong nag-iisang pink na full faced helmet sa ilalim ng kaha. Tapos ay pinasok na ni Iñigo ang mga pagkain sa loob ng food delivery bag.
Nang matapos ay binigay na niya ito sa'kin. Hinubad ko muna ang apron at visor cap ko saka ako umalis nang mabilis.
Paglabas ko ay nakita ko kaagad 'yong pink na e-bike scooter na naka-park sa gilid na may tatak ng logo ng shop sa bandang unahan nito.
Maliit at mababa nga lang ito. Pang-isang tao lang. May bilog na headlight din ito sa unahan at side mirrors. May upuan naman ito sa likod pero para lang ito sa food delivery bag.
Ikinabit ko na nang maayos dito 'yong bag at sinigurado kong hindi ito mahuhulog.
Sinuot ko na ang helmet at sumakay. Tapos ay may pinindot lang ako sa bandang hand break nito at umandar na ito.
Hindi ko naman talaga first time mag-drive nito. Last year, nagtrabaho ako sa isang flower shop at ganito rin ang gamit nila para mag-deliver ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
Bloom in Pink (Lilianne)
ChickLit[ COMPLETED ] Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. Nagmula si Lili sa isang mahira...