[ COMPLETED ]
Lili is a boyish and street-smart kind of girl na willing gawin kahit ano para lang mairaos ang pamumuhay ng kanyang pamilya at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit gaano pa ito kahirap.
Nagmula si Lili sa isang mahira...
Ala sais ng hapon at kauuwi ko lang galing trabaho sa convenience store. Nadatnan ko ang mga kapatid ko na nanonood ng TV sa sala. Dumeretso naman ako sa kuwarto at nagpalit kaagad ng damit pang-itaas.
Pagkatapos ay kinuha ako ang phone ko para tingnan ang messages ng mga kaibigan ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napangiti ako at ibinalik na ang phone sa bulsa ko. Ngayon ang Friday girls' night namin at the usual, kina Marce kami. Kahapon lang namin ito pinagplanuhan. At mabuti na lang libre kaming lahat ngayon.
Dinampot ko na ang backpack ko na naglalaman ng ekstrang damit at ilang gamit dahil bukas na ako ng umaga uuwi. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko.
"Kuya, aalis na ako. Punta na ako kina Marce," paalam ko kay Kuya Lucas.
"Okay sige. Ingat ka," sambit niya habang busy pa rin manood ng TV.
Naglakad ako palabas ng compound namin at nakasakay naman ako kaagad ng jeep.
"Bayad po," sambit ko sabay abot ng bayad sa driver.
Pagkatapos ay dumungaw ako sa bintanang katabi ko. Hindi naman gaanong traffic. Kulay kahel na ang langit at humahampas ang malamig na hangin sa mukha ko habang dinadala nito ang aking buhok.
Mabuti na lang din at wala gaanong pasahero ang sinasakyan kong jeep ngayon kaya nasasakop ko pa 'yong ibang puwesto.
Ten minutes lang ang biyahe at nakarating na ako sa tapat ng subdivision nina Marce. Subdivision para sa mga middle class ang tinitirhan nila Marce. Pero maganda na rin manirahan dito dahil tahimik at maganda na rin ang lugar.
Hindi gaya sa amin na dikit-dikit ang mga bahay, maingay, at matao.
Pumunta kaagad ako sa tricycle lane at sumakay papunta sa mismong bahay ni Marce. Nakatingin lang ako sa labas buong sampung minutong biyahe.
At nang marating ko na ang bahay nina Marce ay pumara na ako sa tapat nito at nagbayad sa driver bago siya umalis.
Ang hitsura ng bahay nina Marce ay parang bungalow pero may second floor. Kulay yellow at white ang kabuuan ng kanilang bahay. May gate din silang kulay puti. At maliit na garden sa harap.
Nag-doorbell na ako nang makalapit ako sa kanilang gate. At pagkalipas naman ng ilang sandali ay lumabas na ng pinto si Marce at tumakbo papalapit dito sa gate.
"Lili! Yay! Nandito ka na!" Halata ang excitement sa kilos ni Marce.
Matapos niya akong papasukin sa gate ay kumapit siya sa braso ko habang papasok kami sa loob ng bahay nila.
Pagpasok namin sa sala nila ay nadatnan ko ang isang kuya ni Marce na si Kuya Marvic, mas matanda siya kay Marquis, at kasama rin niya ang longtime girlfriend nito na si Ate Dess. Nanonood sila ng TV habang nakain ng chips at softdrinks. Nagkalat ang mga 'yon sa center table nila.