Chapter 26: The Party

33 2 2
                                    

Busy si Papa nitong mga nakaraang araw dahil malapit na ang 36th anniversary ng L House of Beauty. Palagi siyang may kausap sa phone o kaya naman ay palagi siyang may meeting.

At nitong mga nakaraang araw, napag-isip-isip ko na ang tungkol sa gustong mangyari ni Papa.

Pinuntahan ko sa siya sa kuwarto nila. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Papa?"

Nadatnan ko siyang nagba-browse sa computer niya.

"Oh, Lilianne," sambit niya nang makita niya 'ko.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa silyang katapat ng mesa niya.

"Pa, may sasabihin po ako sa inyo," panimula ko.

Huminto si Papa sa ginagawa niya at binaling ang atensyon sa'kin upang makinig.

"Sige, ano 'yon?"

"Pa, napag-isip-isip ko na...kung wala sa mga kapatid ko ang gustong magpalakad ng kumpanya niyo balang-araw, ako na lang po ang gagawa n'on," sagot ko.

Kita sa mukha ni Papa na parang nasurpresa siya sa sinabi ko.

"Talaga, anak?" tanong pa niya.

"Opo."

"Pero, paano ang pagiging journalist mo?" tanong niya.

Natigilan naman ako at napaisip sa tanong niya.

"Anak, ayaw ko namang pilitin kayo kung hindi kayo interesado sa pagpapatakbo ng isang kumpanya. Huwag mo sana isakripisyo ang pangarap mo para lang sa iba," ani Papa.

"Pa, naisip ko na rin 'yan. Naisip ko na, hindi naman siguro masama kung mag-pursue ako ng ibang bagay, 'di ba? Isa pa, alam kong mahalaga para sa'yo ang L's dahil kay Don Lemuel. Willing akong pag-aralan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng isang kumpanya."

"Sigurado ka na ba diyan, anak?" klaro pa niya sa'kin.

Tumango ako, "Opo. Sigurado na po ako."

Tumango-tango naman si Papa sabay ngiti.

"Siya nga pala. May ipapakita ako sa'yo," sambit niya. Tapos ay may kinuha siyang tatlong envelope na kulay yellow at binigay niya ang mga 'to sa'kin.

"Invitations 'yan para sa mga dadalo sa anniversary."

Kinuha ko ang isa at binuklat ito. Nagulat naman ako sa pangalang nabasa ko.

"Ms. Margaux Celestine Cabrera," pagbasa ko.

Kinuha ko pa ang isa, "Ms. Jennica Pauline Montilla."

Binasa ko rin 'yong isa pa, "Ms. Rosemarie & Mr. Rhysander Mendez."

"Invited sila?" tanong ko.

"Yes. I invited all your friends. I want you to be with them on the event. Ipapadala ko na ang mga invitation na 'yan mamaya sa messengers natin," saad ni Papa.

Tumango lang ako sabay ngiti.

---

Katatapos lang namin maghapunan at nandito ako ngayon nakaupo sa kama ko habang nakasandal sa headboard.

Nagba-browse ako sa laptop ko ng tungkol sa L's House of Beauty. Ang dami pala talaga nilang achievements at milestones sa loob ng 35 years.

"Kayanin ko kaya 'to?" bulong ko sa sarili ko.

Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa tabi ko lang. Nakita ko ring umilaw ang screen nito kaya't mukhang may notification nga.

Bloom in Pink (Lilianne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon