Chapter 2

33 6 7
                                    

3 Weirdos
Chapter 2 : KFC

Mabilis kaming nakahanap ng karendirya kasi nasa harap ng eskwelahan lang pala makikita. Dito na namin napag-isipisipan na kumain.

Habang nagpipili ng ulam ang dalawa ako naman na-upo sa puwesto na pili namin. Nasa gitna iyon sa harap ng electric fan, ang hangin nga eh. May mga grupo ng babae at kalalakihan ang pumasok, ang iba sa kanilang grupo na upo sa kaliwang puwesto namin at yong isang grupo na upo sa likuran namin.

Hinubad ko ang hoodie ko at inilagay sa kanang bahagi ko, sa isang bakanteng upuan at pagkatapos pinusod ko ang buhok ko. Pinahidan ko rin ang leeg at mukha ko ng panyo dahil pawis na pawis ako. At naglagay ng alcohol sa kamay ko dahil malagkit na siya.

Nang ibinaba ni Kle ang ulam, napatingin agad siya sa bandang lirukan namin. "Pogi." Bulong niya pero narinig namin.

"Kle kain muna bago yang mga pogi." Utos sa kanya ni Stephanie

"Makapaghintay ang pogi nalumapit ka pero ang pagkain hindi." Dugtong ko.

Umupo naman si Kle at si Stephanie sa harap ko. At nag-umpisa na kaming kumain pero ang mga mata ni Kle na sa likuran ko kung saan ang mga poging boys. May pa kagat labi pa tong isa, talaga naman.

"Alam niyo." Panimula ni Kle. "Heaven talaga kapag may mga poging boys." Tumawa siya, kami naman napangiwi.

"Hay, iwan ko sa'yo." Sabi ni Steph.

Napangisi na lang ako, ganyan talaga yang si Kle, pogi is life.

"KFC ba'to dito?"

"Oh, tawag dito sa karendiryang 'to KFC."

"Paano naging KFC?"

"Karendiryang Fondness Chow"

"Woah grabe."

"Diba, Jay. KFC dito."

"Oo na lang."

"Hahaha! Kawawang Zaniel. Halika ka dito sa'kin, halik ko lang okay ka na. Wag kang mag-alala kakampi mo ako." Lambing sabi ng lalaki.

"Ako, kailangan ang halik mo."

Napatingin ako kay Kle na may laman pa ang bibig ko ng bagong subo ng kanin. Si Stephanie naman napabuga ng coke. Siya naman nakangiti ng malapad na nakatitig sa bandang likuran ko. Nakatingin ata sa mga boys.

"Ouy! Del, kailangan niya ang halik mo."

"Tsk, tsk. May tama yun sa'yo"

"Ang gwapo ko eh."

Napapikit naman ako ng mata ko, tinabonan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Narinig ko pang tumawa si Kle.

"Lapit lang ako."

"We're cheering you up, bro!"

"Bigyan mo ng matamis na halik! pMuah!"

Lumapit ang isang lalaki na naka-asul na t-shirt at may isang earings sa kanang tainga at ang buhok wala sa ayos.

"Hey there, girl." Bungad niya kay Kle.

"H-hey!" Nauutal na sabi ni Kle.

"Seryoso ka dun, Miss?" Tanong ng lalaki na may malapad na ngiti sa labi.

"A-ah... It was just a joke!" Sabay takbo ni Kle pa alis.

Huh?! Whut?!

"Kle! Hoy!" Tawag sa kanya ni Stephanie at sinundan siya.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now