Chapter 14

29 5 2
                                    

3 Weirdos
Chapter 14 : Another Karma, ba?




Bry's POV


"Ahh- Ray!"

Napasigaw ako dahil sa biglang pagka-slide, hindi pa ako nakakabangon ng natatawang lumapit siya sa akin tinabihan ako saka kiniliti. Pilit kong inilalayo ang kamay niya sa tagiliran ko dahil parang nawawalan na ako ng hininga. Pero sinakyan pa niya ako kaya wala akong kawala sa kanya.

"Hoy! Ang sakit na sa tiyan- Ahh! HAHAHAHA!"

Dahil hindi niya ako pinakinggan, sinasabuyan ko siya ng tubig sa mukha ngunit ilang ulit ko lang 'yun nagawa dahil dinakip niya iyon gamit ang isang kamay. Pero natawa ako dahil may tumulak sa kanya kaya na deritso siya sa tubig. Nilingon ko naman kung sino gumawa no'n sa kanya para pasalamatan.

Pero may bumuhat sa aking bridal style at saka inihagis sa tubig. Amp pvta!

Nang nakaahon ako sa tubig, minura ko kaagad ang kung sino man ang gumawa no'n sa akin, "ANIMAL KANG LINTIK KA!!!"

"Ay, oops! Sorry,"

Nanliit ang mata ko sa kanya, kumuwala ako ng buntong hininga, "Damn Zoo! Fruitang'inay mo!"

Mabilis akong umalis sa tubig at hinabol siya para makapaghiganti, mabilis rin siyang tumakbo palayo sa akin. Akala ko tatayo lang si Step pero umalis rin siya tubig at hinarangan si Damzo pero tinulak rin siya ulit nito.

"Maabotan lang kita, kabahan kana!"

Mas binilisan ko ang paghahabol sa kanya, runner ata 'to kaya sigurado akong mahahabol ko siya. Petchay'ng inay niya!

Kaya naman nang maabotan ko siya, hinawakan ko ang damit niya saka hinila siya palapit sa akin, kaya napahinto siya do'n.

"Bry! H'wag lang 'yang Fubu kong damit!"

"Fubu-fubu! Fubang inay mo!"

Hinawakan ko naman ang dalawang braso niya gamit ang dalawang kamay ko para wala na siyang kawala. Dinala ko siya patungo doon sa pool para ihagis, pero nagpupumiglas siya kaya kapag itutulak ko siya iikot siya sa likod ko at ako ang itutulak niya sa tubig kaya kapag ginawa niya 'yun, umaalis ako sa harapan niya at pumupunta sa likod niya para siya ang mahulog. Kaya nang ilang beses naming ginagawa namin habang natatawa, nilagyan ko na nang malakas na puwersa para maihulog siya at nagawa ko naman.

"Success!" Sigaw ko sa tuwa dahil sa wakas naitulak ko na siya tubig.

Habang tinutukso ko pa siya dahil naitulak ko siya napansin kong palipatlipat ang tingin niya sa akin at sa likod ko at pilit tinatago ang ngiti sa labi, kaya napansin ko na baka may gustong tumulak sa akin. Kaya nang may humawak sa balikat ko ay hinawakan ko patagilid ang kamay niya kaya siya 'yung nahulog.

"Ako si Malakas!"

"Lagot!"

Dahil sa sigaw na 'yun napatingin ako kay Damzo. May dalawang lalaki na siyang kasama. Si Zaniel at si- hindi ko kilala. Nagtagpo ang tingin namin ni Damzo, tinaasan ko siya nang kilay, tinatanong. Sinenyasan naman niya ako ng isang daliri na sinasabing hala-ka-lagot-ka-Bry.

Kinibitan ko lang naman siya bilang sagot at binantaan, "Sige 'pag ako kinalaban niyo, sinasabi ko sa inyo babalikan ko kayo."

3 WeirdosWhere stories live. Discover now