3 Weirdos
Chapter 16 : New beginning,begin again.Ryz Kle's POV
After naming kumain sa KFC ay namili kami ni Steph nang gamit namin para sa bagong pasukan, hindi na namin nakasama si Bry dahil may sariling lakad ang Jupiter student na 'yun na hindi namin alam.
Kaya nung pagakatapos na naming mamili sa mall ay pumunta kami ni Steph sa bahay nila dito sa City kung saan kami ni Bry ay titira o magbo-board sa kanila, sa underground na kwarto ni Steph kaming tatlo matutulog. Namili lang kami ng gusto naming part ng kwarto at naglinis nang kaunti, bahala na si Bry kung saan siya, siguro sa hindi namin pinili na puwesto.
And today is a another morning, at bukas na ang pasukan namin. Mas lalong bumibilis ngayon ang panahon, parang kahapon lang ay kaka-anak pa lang s'min.
Ngayon ay officially lipat tirahan na.
Nasa sala na ako ng bahay ko ng may narinig akong mga sasakyan sa harap ng bahay, baka sila si Steph na 'yun kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan ang mga imapake kong gamit saka binuhat 'yun. Nagulat lang ako nang humakbang na ako at nakita ko si Tita Jeniva, binaba ko ang gamit nang nagsalita s'ya.
"Hindi ka sa CNHS mag-aaral ng Senior. Do'n ka sa paaralang malapit s'min."
Napanganga ako at hindi alam ang sasabihin. Heto na naman kasi sila at magdedesyon para s'kin.
"Pero 'Ta, nakapag-enroll na ako sa CNHS," may halong pakiusap sa boses ko na sana hindi n'ya ako ilipat ng eskwelahan.
"Eh, do'n ka daw s'min sabi ni Papa mo. Para bantayan ka raw namin," kumunot ang nuo ko sa inis.
Babantayan pa ang mga galaw ko, hindi na ako bata kaya ko ang sarili ko. Pagbabawalan n'yo lang ako sa mga gusto ko at sa suot ko at kung saan ako pupunta kapag sa bahay n'yo na ako titira, kaya hindi ako papayag na do'n ako magse-senior high.
Tinanggap n'ya ang nakakairita at galit na tingin ko sa kanya. Sila lang ang puputol sa kasiyahan ko, eh.
May bumusina sa labas kaya naputol ang samaan ng tingin namin. Nilagpasan ko s'ya at lumabas ng bahay para tignan kung sino 'yun. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na multi cab na nila Stephanie ang nasa labas, naroon na rin si Bry nakasakay sa labas kasama si Steph.
Bumaba sila para salubungin ako, halatang masaya sila dahil aalis na kami pero nag-iba lang ang ekspresyon nila nang binigyan ko sila ng makahulugang tingin ng makita nila ang pamilyar sa kanila na motor ni Tita Jeniva. Kumunot ang nuo nila at nagkatinginan sila, tumalikod na lang ako at pumasok sa loob, naramdaman ko namang sumunod sila likuran ko.
Nang makapasok sa loob ay hindi ko pinansin si Tita na nakatayo sa hamba ng pintuan, nag-greet naman sila Bry at Steph bilang respeto sa kanya kahit alam ko kadalasan kapag binabawalan n'ya ako sa mga pupuntahan naming tatlo ay nagagalit sila dahil sobrang kj n'ya.
Binuhat ko ang mga imapake kong gamit at lalagpasan na sana s'ya nang hinarangan n'ya ako, tumigil ako at kunot nuo s'yang tinignan sa mata.
"Diba sabi ko sa'yo, sa amin ka na titira para bantayan ka at dahil utos nang Papa mo," pagalit s'yang sabi, "Hindi ka sa CNHS ka mag-aaral kaya hindi mo dadalhin ang mga gamit mo sa sasakyan do'n sa labas."
"'Ta, naman! Nakapag-enroll na nga ako. At isa pa wala namang may sinabi si Papa sa akin."
Lalagpasan ko sana s'ya ulit pero hinarangan n'ya lang ako ulit.
"Biglaan, Kle. Kaya hindi ka aalis para pumunta sa City," banta n'ya s'kin.
Nagsisimula na akong mainis sa kanya kaya binaba ko ang binuhat kong gamit saka hinarap s'ya, kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang mga salitang gustong lumabas sa bibig ko. Sa huli, inis kong kinuha ulit ang gamit at pinilit nilagpasan s'ya kahit hinarangan n'ya ako.
YOU ARE READING
3 Weirdos
RandomThe 3 weirdos has been friends since Grade 7, they have different likes, hobbies, talents, and hated things. Pero wala naman sa requirements na dapat kapag magkaibigan kayo, halos magkapareha kayo sa mga bagay-bagay na naiinaman niyo. Ang tatlong ma...