Chapter 9

16 7 8
                                    

3 Weirdos
Chapter 9 : Nice to meeting you, people!



Stephanie's POV

"Bry!" Tawag ni Kle.

Susundan na sana namin siya ng may isang lalaking humarang sa amin. Napahinto kami, tinignan ko ang lalaking humarang sa amin. Naka-volleyball shirt siya, kaya halatang volleyball player rin.

"Ah, excuse me susundan lang namin ang kaibigan namin," sabi ko sa kanya.

Lumingon ang lalaki sa direksyon ng lalaking inaway ni Bry. "Papaalisin ba natin 'tong dalawang kaibigan niya, Zan?" Tanong ng lalaki.

"'Wag. Dalhin mo sa SUV." Sagot niya.

Ano?! Kidnapping ba 'to. Kako may klase pa kami!

"ISANG MALAKING FRUITA!" Sigaw ng kong sino. Pero malamang, si Bry lang naman iyon.

"Hindi kami puwedeng umalis. May klase pa kami." Wila ni Kle.

Naunahan ako sa sasabihin ko ah. You read my mind, Kle! You read my mind! Amajing!

Napatingin ang lalaki na humarang sa amin, kay- Zaniel? Zaniel ang pangalan no'n?

"Magpaalam ka sa principal nila. Sabihin mo na maglalaro lang tayo kasama sila." Utos ni Zaniel.

Aalis na sana ang lalaki ng tawagin niya ulit, ito.

"Damzo? 'Asan si Del?" Tanong niya kay Damzo-.

Teka, teka, teka! Wait! Damzo?! As in iyong kaklase naming mataba nong elementary days?! Oh nga pala, sabi niya sa SNHS mag-aaral. Pero volleyball player? Hidden talent mo iyan Damzo, ah.

"Pinuntahan iyong Bry. Alam niya na ang gagawin do'n." Sagot ni Damzo. Tumango lang naman si Zaniel sa sagot niya.

Hindi kami puwedeng umalis kahit gustong gusto ko. Baka mapa'no pa kami pagsumama kami. Kaya magchichika ako kay Damzo, para makalimutan niya ang inutos ng Zaniel.

"Damzo? Ikaw ba iyan?" Wika ni Kle.

Amajing! Unbeliebubble! Naiisip mo ba ang iniisip ko, Kle?

"Huh? Kakilala ba kita?" Sagot ni Damzo.

"Classmate mo no'ng elementary." Wika ko.

Naligayahan nga ang mukha ni Damzo at mas lumapit pa sa amin.

"Stephanie?" Tanong niya at tumango ako bilang sagot. "Mataas ka pa rin, ah. At mas tumaas pa."

Bumling siya ng tingin kay Kle. "Ikaw 'yung laging tumutukso sa 'kin no'n, no? Ryz Kle." Napataas ang isang kilay ni Kle.

"Ang taba mo kasi no'n." Tumawa si Kle. "Pumayat ka rin pala no."

Nagchika pa kami sa elementary school days namin. At halatang nakalimutan ni Damzo ang iniutos sa kanya ng Zaniel. Napatingin ako kay Zaniel para malaman kong ano ang naging reaksyon niya. Dahil kapag galit at nakakunot ang noo, tatawa ako. Matagumpay ang mission namin. Hahaha-

Nakatingin lang si Zaniel sa amin- HABANG!

ANG!!

MUKHA!!!

MAHINAHON!!!!

LANG!!!!!

Nagtagpo ang tingin namin, ningisihan ko siya ng nakakaasar para mainis pero tignan niya lang ako sa mata ng ilang segundo at bumaling ng tingin.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now