Chapter 10

10 6 6
                                    

3 Weirdos
Chapter 10 : Tukso




Kle's POV

"Ahaaaa~~~~"

Nilingon ko si Bry na nasa bandang likuran ko nakaupo, nakakatutok lang ito sa papel niya. Si Stephanie naman ang tinignan ko na nasa bandang harapan ko sa kanan, napatingin siya sa kisame na nag-iisip, narinig ko kahit medyo malayo siya sa akin ang pagtawa niya.

Paano kaya ako magkakaroon ng kapangyarihang mabasa ang iniisip nila?

Binalik ko na lang ang tingin sa test paper ko. Kasalakuyang nagt-take kami ng exam ngayon, second day na ito, at martes na nga ngayon.

Bilis ng araw sa wattpad.

Tinignan ko ang tanong sa test paper ko. Mathematics? Math? What is Math? Ang parang taong marupok na tinatanong pa rin kung ano ba si x.

Ex? Wala ko no'n, eh. Kaya 'wag ako ang tanongin mo.

Isulat ko na lang kaya na.

"X is an alphabet. X is an multiplication sign. X is an marupok?"

Ayan sa wakas, ang bente minutos kong pinag-isipang isasagot na sagotan din.

>>>>>>>>>><<<<<<<<<<

Stephanie's POV

What is x?

"What is x?" Tumingala ako para may maisip na sagot.

Oh okay! Na-review ko 'to kanina eh. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutang mag-review.

Natawa ako. Naisip ko kasing, ano kaya ang isasagot ng dalawa?

Tumingin ako sa bandang likod, tinignan ko si Bry na busy sapagsusulat sa kanyang scratch paper. Si Kle naman, nakangiti lang ng malapad. May magandang sagot 'yan, pag ganyan ang ngiti.

>>>>>>>>>><<<<<<<<<<

Bry's POV

What is x?

Kailan pa naging bobo ang math? Alam niya naman kong ano ang x tatanong-tanong pa. Siguro nahirapan din siya, kasi hindi siya naka-move on.

Hayst bahala nga!

"Siya 'yong taong iniwan ka para sa iba. Siya 'yong nagparaya sa'yo para sumaya ka sa iba dahil alam niyang hindi ka na sasaya kapiling. Siya 'yong nagsawa ka mamahal sa iyo. Siya 'yong pinili nila ang panget kisa sa'yo. Siya rin iyong iniwan mo.

Siya iyong pinagtanggol ka pero hindi mo nakayanan kaya natapos kayo. Siga 'yong nirurupokan mo. Siya 'yong bobo dahil sinayang ka niya...

Siya 'yong dapat kalimutan na. Siya 'yong dapat pakawalan na. Siya 'yong iniyakan mo na minsan. Siya 'yong dapat hindi na iniisip pa dahil hindi siya 'yong karapat dapat na iyakan o alalahin pa.

Siya 'yong...?"

Shocks! Ang haba! Tapos ang space, maliit? Paano ko 'to ipagkakasiya?

3 WeirdosWhere stories live. Discover now