Chapter 13

20 6 3
                                    

3 Weirdos
Chapter 13 : Underwater Romance





Kle's POV

Noong araw ng completion namin, sa araw na iyon hindi masyadong masaya ang naging araw ko. Pero thankfully, ang dalawang friends ko ay nakinig sa mga inukuwento ko sa kanila. And of course salamat kay Papa dahil kahit hindi man siya naka-attend sa completion ceremony namin, nagdala naman siya ng mga pagkain sa bahay.

Kaya gumaan ang loob ko dahil kahit gusto ko man sana na sila dalawa ni Mama ang umakyat sa stage at magsuot sakin ng medalya, nabawasan iyon at nakalimutan ko na rin na nagtatampo ako sa kanila.

Pag-open ko na rin ng messenger ng oras ng tulog ng gabing iyon, natanggap ko ang chat niya na hindi siya makakauwi dahil for some reason. Okay lang din naman sa akin dahil at least pinuri din ako ni Papa sa mga nakuha kong medalya.

After that day, 2 weeks pass. At nasa ikatlong linggo na ng April ngayon, huwebes.

Nasa labas ako ng gate at nakasandal sa pader nito, naghihintay kina Stephanie at Bry. Tagal nila, eh. Sabi daw 8 a.m. eh ngayon malapit ng mag-10. Sabi pa agahan pero sila naman tong ang tagal.

Maya-maya pa, ambang tatawagan ko na si Stephanie ng may busina kaya napatigil ako sa pagpindot ng dial. Tinignan ko kung sino 'yun kaya laking pasasalamat ko at dumating na ang dalawa. Huminto sila malapit sa harap ko, sinugod ko naman sila ng kurot sa tagiliran nila.

"Ang tagal niyo, ah! Kanina pa ako naghihintay!"

"Ito kasing si Stephanie ang tagal maligo at magbihis! Sobra pa sa pagong!" Sabay kamot na sabi ni Bry dahil sa irita.

"Aba naman, oh! Ngayon lang kaya ako nahuli! Reklamo pa kayo d'yan." Irita niya ring sabi at sinulyapan ako.

Ah! Ikaw ah!

"Hoy! Hindi kaya ako nahuhuli!"

"Sinabi ko bang ikaw?" May pagkataray niyang sagot sa akin.

Pambihira! Oo na! Ako na 'yung nahuhuli!

Magsusumbatan pa sana kami ni Step pero pinigilan kami ni Bry at saka naman 'tong si Steph binatukan siya.

"At ikaw rin! Ang tagal mong sunduin ako!"

"Eh, kung susunduin kita agad, maghihinaty pa ako? Nakakainip kaya maghintay!" Sagot ni Bry sabay kamot sa binatukan ni Steph.

Kisa pa magtagal ang pagtuturoan namin sumakay naman ako na sana hindi ko ginawa at pinagsisihan ko dahil malapit nang ma-out balance ang motor. Pero salamat dahil iniligtas kami ng anghel at salamat dahil mabilis na binalik ni Bry sa pagkakatayo.

"Malapit na tayo do'n ah!" Sabi ni Bry sabay hawak sa dibdib.

Natahimik kami sandali at no'ng may lumagpas na kotse sa amin, humalakhak kami.

"HAHAHA! PUCHA!"

"H'wag niyo lang gasgasan ang legs ko!" Biro ko pa.

Napailing-iling pinaandar ni Bry ang motor tsaka nagmaneho. Tawang-tawa pa rin ako sa nangyari kanina. Medyo natagalan kami sa pagdating sa City Gillian Resort dahil naghihinayhinay sa pag-drive ng motor sa high way. Pero kahit ganoon at least safe kami.

Pagdating namin doon, nasa gate na ang iba naming kaklase. Napatampal ako sa noo ko. Kami na lang siguro ang hinihintay ng mga iyon.

"Hay sa wakas dumating rin kayong tatlong late squad." Bungad sa amin ni Christy ng tumigil sa tabi nila ang motor.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now