Chapter 4

20 6 2
                                    

3 Weirdos
Chapter 4 : Making a Deal



Makabiskwet ang lakas!
Pero why naman naging kaklase ko siya!

May bagong mga istudyanting pumasok, ang iba magkakilala na. Lumingon ako sa katabi ko.

"Ba't parang wala pa ang homeroom natin?" Tanong ko sa kanya.

"May ginagawa pa siguro." Sagot ni Kristel.

Tinignan ko naman ang oras sa relo ko at alas otso pasado. Pagkaangat ko ng ulo saktong tumingin ako sa pintuan at hindi ko inaasahan na...

Wala pa rin ang homeroom teacher namin.

Dahil boring, pinili ko ang mag open ng topic kay Kristel. "Matagal ka na dito?"

"Hm. Oo, no'ng grade 8 ako nag-transfer dito." Sagot niya.
Nag- ahh lang ako bilang sagot.

Mamaya pa ay pumasok na ang isang babae na nasa thirties ang idad, tansya ko. Naka-uniporme siya ng pang-guro at nakapusod ang buhok. Ganda pa rin ni Ma'am.

"Good morning, students." Bati niya at bumati rin kami pabalik.

"I'm your homeroom teacher this school year. So, sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, I'm Angie Sarmiento."

Nagkaroon lang ng discussion si Ma'am na... Alam mo na. Umayos daw kami.

Pero maayos naman kami.

Hinayaan niya na lang kami na kung saan ang gusto naming puwestong upuan. Nasa row three ako at nasa ikalawang hulihan. Katabi ko lang si Kristel.

Well, I'm thankful dahil si Kristel ang una kong naging kaibigan- kakilala sa section na 'to.

Hindi ako umimik dahil hindi ko pa sila lahat kakilala. Paminsan-minsan ay kumakausap si Kristel sa mga kakilala niya. At kadalasan naman sa akin.

Tumunog na ang bell at hudyat na para mag recess time. Sabay na kami ni Kristel na pumunta sa cafeteria and sa hindi ko inaasahan nasa likod namin ang iyong tatlong amaw- ay hindi dapat 'Tamamaw' . Hahahahaha

Nabigla ako ng humila sa akin kaya napamura ako. "Puchak!"

Taka naman akong sinundan ng tingin ni Kristel, suminyas ako sa kanya na kaibigan ko sila. At suminyas naman siya pabalik sa'kin na mauna siya sa cafeteria.

Hinarap ko naman yung dalawa. "Classmate mo si Wendell diba?" Bungad niya sakin.

"Hindi."

"Hoy nakita ko sa list, classmate mo siya."

"Ganoon ba?"

"Hindi mo alam?"

"Hindi. So anong gusto mo?"

Ngumisi muna siya sa akin. "'Yung number niya, please."

Natawa ako sa sinabi niya at binawi ko 'yun at pinalitan ng kunot ng noo.
"Close ko ba 'yun para hingan ng number niya?"

"Sige na. Madali lang 'yan." Pilit niya.

"Eh madali lang pala, edi ikaw na gumawa."

Nauna akong naglakad sa cafeteria at sinundan naman ako nila. Pero huminto ako.

Parang ang harsh ko naman ata.

Nilingon ko siya. "Kung kukunin ko ang number niya, ano'ng mapapala ko?"

Sumilay ang ngiti niya sa kanyang labi. "Eh ikaw? Ano'ng gusto mong kapalit?"

3 WeirdosWhere stories live. Discover now