Chapter 11

18 6 4
                                    

3 Weirdos
Chapter 11 : Completion Ball Day




Bry's POV

"Sa ngalan ng amay, sa anak, sa isperitu santo, amen." Pag-uumpisa ng Pari.

Nasa loob kami ng simbahan ngayon, at bago pa lang nag-umpisa ang misa. Mga istudyante at guro, tatay at nanay ang nasa loob dito ngayon.

Napaka-peaceful ngayon kaya maganda ag mood ko- palagi naman.

Dalawang oras ang nakalipas at natapos ang misa. Malapit na nga talaga kaming mag-graduate ng grade 10, kahit tinatawag nilang completion lang ito.

Sana wala nalang ang K-to-12, biskwit 'yan! Nagmamadali akong mag-college tapos nandiyan pa ang dalawang taon sa high school! Ang pagiging senior!

Sana... Ipinganak na lang ako noong 90's. 1997 dapat, para malapit lang sa edad ng mga idols ko.

HAHAHAHA! DREAM ON BABAE!

O di kaya nasa college na ako bago pa ipinatupad ang K-to-12. Malas ko naman oh! Pero sige na lang, ano pa ang magagawa ko?!

Bumalik na kami lahat sa eskwelahan, at pagdating namin ay tinawag kaming grade 10 sa mini gymnasium namin. Naka-apat na linya kami pero naging lima dahil ang mga barkadang mga pasaway gumawa ng sariling linya.

Pero binalewala na lang namin 'yun, nasanay na kami eh. Bestfriend forever daw kuno at walang iwanan na rin daw kuno. Kaya kapag iihi ang isa sa kanila, iihi na rin ang lahat na magbarkada.

Kayo diyan girls? Ganoon rin kayo, no?

"So, magde-decorate tayo ng stage para bukas, para sa Completion Ball natin."

Actually, wala naman talaga kaming graduation- este completion ball na gaganapin. Pinilit lang namin ang mga guro para magkaroon. Gustong gusto ko 'to pero may ayaw rin ako tungkol sa ball na 'to. Ang mag-amot ng sengkweta pesos.

"Kaya ang tatakas 'di makakasali bukas. At walang dagdag na grade kay Ma'am, mag-a-atendance tayo kapag tapos na tayo sa decoration para sigurado akong walang aalis." Striktong sabi ni Christy. Ms. President? Ahh, Oo.

Kaya naman ang barkadang walang iwanan tumulong na rin, mabuti naman. Ang lider nila tumulong na rin eh, kaya gano'n rin sila.

Ah gano'n may lider-lider sa barkadahan?

Nang matapos kami ay agad na tumakbo palapit ang mga barkadang walang iwanan kay Christy.

"Attendance diba?"

"Oh, tumulong kami. Kaya sulat mo pangalan namin diyan."

"Oh, kita mo 'yun. Kami ang nag-ayos no'n."

"Oh, nga. Trabaho namin 'yun. Kaya 'wag na 'wag kang mag-aalangan na iligay ang pangalan namin diyan."

Hayst!

"Mamaya na! Last practice para bukas ng alas singko. Dapat maayos." Wika no Christy.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now