3 Weirdos
Chapter 3 : Hoddie StealerBinili ako ni Kle ng bagong hoddie, peace offering ata niya. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala--- kinuha ang ang hoddie ko. I guess?
Pagkatapos nong nangyari nong araw na nag-enroll kami pumunta kami sa mall para bumili ng gamit para sa school at school uniform.
At ngayon andito na kami sa boarding house na pinili namin. Pagmamay-ari ng tito ni Stephanie. And thankfully kasi maliit lang ang babayaran namin.
Bahay pala nila to na ginawang boarding house para magamit. Sa ibang lungsod nakatira tito niya. So, sa ngayon si Stephanie ang land lady ng boarding house ng tito niya.
Ang bahay nila ang may dalawang palapag. Apat na rooms sa ibaba at anim sa itaas. Pinili ni Kle na ang isang solong kwarto sa 2nd floor, at si Stephanie naman sa tabi ng kwarto niya. Ako naman sa unang kwartong madadatnan sa living room nila. Pinili ko dito kasi pagkatapos sa living room, kusina na. Sa buong araw ay inayos namin ang mga gamit namin at ang mga pagkain sa ref.
May mga dating boarders rin na dumating at yong mga bago rin.
Busy kami sa palipat nang gamit namin."Bry, I need some help." Hingi ng tulong sa akin ni Kle.
"Hindi pa nga ako natapos dito." Reklamo ko.
"Bitbitin mo lang tong isang box ng gamit ko, please."
"Okay." Sabi ko na lang.
Kasi naman tong si Kle parang lalayas na ata sa bahay nila. Daming dala ang babae."Thank you." Sabi niya.
Dumating ang gabi at busy pa rin ako sa kakaplantsa ng uniporme ko. Heto namang dalawa patay hingi ng tulong sa akin.
"Guys. Please pataposin niyo muna ako dito."
"Oh sige-sige. Mamaya na lang."
"Nagpla-plantsa ka, Bry?" Tanong ni Kle.
"Ay hindi-hindi Kle." Sarkastikong sabi ko.
"Heh. Akin rin, please. Kunin ko lang sa taas." Sabay takbo papunta sa kwarto niya.
Aba naman 'tong ija na 'to, ha!
Yes, tapos na rin sa wakas. Binalik ko sa hangeran ang dalawang uniporme ko ng maayos.
"Bry akin rin." Sabi ni Kle
"Oh, sige higa ka diyan sa kabayo at plaplantsahin ko 'yang iyo."
"Hoy, common sense nga." Saway niya sa akin.
"Marunong ka naman diba?."
"Of course."
"Edi ikaw ang magplantsa ng uniform mo."
"Sige na, please."
"No way." Sagot ko.
Wala siyang nagawa kundi ang magplantsa ng sarili niyang uniporme. Dapat ganyan. Sarili mong gamit ikaw na ang mag-alaga, hindi sa lahat tutulongan kita.
• • •
"Good morning students!" Bati ng isang maistro sa stage gamit ang microphone. Bumati naman kami pabalik. I don't know pero hindi kami nag flag ceremony.
Kami namang tatlo ay sinundan si Gerai, yung ka board mate namin. Dito rin siya nag-aaral, grade 12 students siya. Sumunod lang kami sa kanya dahil yun amg sabi niya. Pinalinya niya kami sa likod ng ibang students na kapareho namin ng baitang.
YOU ARE READING
3 Weirdos
RandomThe 3 weirdos has been friends since Grade 7, they have different likes, hobbies, talents, and hated things. Pero wala naman sa requirements na dapat kapag magkaibigan kayo, halos magkapareha kayo sa mga bagay-bagay na naiinaman niyo. Ang tatlong ma...