3 Weirdos
Chapter 7 : LIBRE MO!!
Kle's POV
A-absent na lang kaya ako? Hindi na lang kaya ako dadala ng pera? Sabihin ko na lang kaya na wala akong allowance dahil hindi ako binigyan nila Mama?
Ano ba naman kasi. Ako rin naman eh, pinili talaga iyong panourin at ako rin kasi...
Sama na si Stephanie.
Nagpa-uto kay Bry!
Ay ewan ko ba! Bahala na nga! Hindi ko naman matatakasan ang dalawang iyon, kung hindi ko sila malilibre ngayon may mas malaki pang punishment! Ay iyong dalawang araw na ililibre sila.
Suwerta ah no?!
Sinuot ko na ang black na sapatos kong adidas. Lumabas ako ng kwarto at naghain ng kakainin ko.
Ako lang mag-isa sa bahay kasama ang isang katulong na pinasok ni Mama bilang manang para sa akin.
Divorced ang parents ko at may sarili-sariling pamilya sila ngayon. Si Mama ay may dalawang anak na sa kanyang bagong asawa ngayon at lalaki at babae ang mga anak niya. Si Papa naman isang anak na babae. Pero mabuti naman hindi nila nakakalimutan ang responsibilidad nila sa akin.
Si Mama Angelita na Lola ko ay kasama ko rin dito sa bahay. Pero nagbakasyon siya sa probinsya nila para doon muna siya sa mga pinsan kong maliliit. At uuwi siya rito sa araw ng graduation ko.
Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo ako at umalis na papunta sa paaralan. Nag-trycicle ako dahil medyo malayo-layo ang eskwelahan namin.
Pagkarating ko sa silid-aralan namin ay wala pa ang dalawang amaw pero nakita ko naman si Randolph at iba kong kaklase. Binati ko sila ng magandang umaga at ganoon rin sila. Dahil public school ang paaralan namin, kumuha ako ng walis tingting at lumabas para magwalis sa part na wawalis ko.
Mga ilang minuto sa pagwawalis ko ay dumating na ang dalawang amaws. Huminto ako sa pagwawalis at nakakatitig lang sa kanila. Nang mapatingin sila sa deriksyon ko at nagtagpo ang tingin naming tatlo ay itinaas ko ang aking chin na nagmamayabang hindi ako late.
"Himala!"
"Aga mo Kle, ah."
Kumento nila."Kayo naman mga late!" Sagot ko sa kanila.
Tumawa si Bry. "Pero atleast ako, ikalawang late ko pa lang."
"Late ka kaya kahapon, pangatlo mo na 'yan, no!" Tugon ko pa. Aba't hindi ako magpapatalo.
Nakarating na sila sa puwesto ko. Ngumisi sila ng malapad sa akin, iyong ang lapad talaga parang abot hanggang tainga ang ngiti nilang dalawa.
Sumimangot ako at bumalik sa pagwawalis. Sila naman ay dumiretso sa loob ng silid at lumabas silang may dala'ng walis tingting, nagwawalis sila kasama ko ngayon.
"Sino'ng aapak sa magkabilang dulo ng sako?" Tanong ni Bry matapos ilatag ang sako sa tabi ng nakatumpok na basura ng dahon.
"Si Kle na lang." Turo ni Stephanie sa akin.
"Ikaw na. Malalagyan ng lupa at bato ang loob ng sapatos ko." Turo ko rin sa kanya.
"Ikaw na. Hindi naman school shoes ang suot mo eh." Pilit niya ulit.
"Edi walang libre." Aapak na sana ako pero naunahan niya ako. Ngumisi siya sa akin. Tumawa lang ako.
YOU ARE READING
3 Weirdos
RandomThe 3 weirdos has been friends since Grade 7, they have different likes, hobbies, talents, and hated things. Pero wala naman sa requirements na dapat kapag magkaibigan kayo, halos magkapareha kayo sa mga bagay-bagay na naiinaman niyo. Ang tatlong ma...