Chapter 21

9 2 0
                                    

3 Weirdos
Chapter 21: Fight me?



Stephanie's POV

Nag-umpisa ang Intramurals namin sa Opening Ceremony sa umaga. Doon pinakilala ang mga grupo namin, sports rin ng bawat grupo at kung saan ito gaganapin. Pinaalam rin kung ano makukuha namin sa bawat panalo kaya halos lahat ay nabuhayan at gustong-gusto manalo.

Sinabi rin ang rules and regulations. Puwedeng sumali sa kahit ilang palaro pero may limit na hanggang 2 or 3. Kapag wala kayo sa lugar kung saan kayo lalaro sa oras na sinabi, disqualified na kayo agad-agad. Okay lang daw kung wala kaming jersey, dahil sa school lang naman daw ito.

Ang daming sinabi kaya skip na. In-inform naman kami in advance kaya hindi na ako nakinig.

"STEM Meteorite...?"

"Sabog!"

Cheer namin nang maka-score sa hulog ni setter. Ngayon service niya naman in three consecutive times na. Nasa front na ako kaya tinaas ko na ang kamay ko kasama ang dalawa na parehong nasa left side.

"Nice serve!" sigaw nang isang ka-teammate namin.

Pagpalo niya, kaagad ay pumunta na kami sa aming puwesto, naiwan ang middle blocker namin sa harap para mag-block. Ikalawang touch pa lang ay binalik na nila sa amin ang bola. Mahina lang 'yun kaya si middle namin ang nag-receive, nag-ready na rin ako sa attempt kung para man sa akin pupunta ang bola at o 'di kaya ay ang mag-decoy.

"Steph!"

Agad na akong tumakbo at tumalon saka pinalo ang bola doon sa dulo ng court nila. Agad akong tumingin sa bola nang mag-land na ako para tignan kong pasok ba o hindi. Nang nag-aksyon ang liner na pasok ang bola sa court nila tumalon na kaagad ako dahil sa sobrang excite habang nagtitipon kami sa gitna at nag-cheer.

"Meteorite?! Sabog!"

Nagpalakpakan na kaming lahat at nag-aper kami sa HUMSS Kangaroo sa gitna nang net. Pagkatapos no'n ay lumipat na nang upuan sa taas na bench dahil may susunod na kasi na maglalaro. Manonood kami.

Boys naman ang sumunod kaya talagang manonood ako. Hindi ko pa kasi nakikita ang boys na nagp-play, d-schedule kasi kami sa paggamit ng court kaya wala akong mareto sa mga classmate ko na gusto ay volleyball player.

What a lie ano?

Narinig ko kasi kanina na sila ang una na maglalaro sa boys kaya syempre, support ako for him.

Him? Him. Him...

Ayyyyyiiiieeeee!

"Ayyy... Na-injured? Anong nangyari...?" mahinang tanong ko sa sarili nang makita siya'ng in-ensayo ang braso niya.

Sumingkit ang mata ko habang sinusundan ko siya ng tingin, napansin niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya napalinga-linga siya sa mga nakaupo sa bench, sa itaas. Agad na akong gumalaw na kunwari busy sa pagtatanggal ng sapatos at medyas nang sa deriksyon ko na siya lumingon.

Kumausap ako sa mga kasama ko para kunwari wala akong paki sa kanya at magpanggap na hindi nakasunod ng tingin ko sa kanya. Hindi sana ako babalik nang tingin sa kanila kung hindi lang ako nakarinig nang palo ng bola.

Adik.

Agad na sa kanya napunta ang tingin ko kahit na hindi na siya nakatayo kanina malapit sa net. Hindi ko alam pero parang magnet na tumatagpo kaagad ang tingin ko sa kanya kahit hindi ko na siya sa hanapin pa. Parang makikita mo na pang siya kaagad kahit saan ka-tumingin, kahit wala kang intensyon na hanapin siya ng mata mo. Magpapakita na lang siya kaagad sa'yo.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now