Chapter 8

25 5 5
                                    

3 Weirdos
Chapter 8 : Karma is Great



Bry's POV

Hindi ko aakalain na may magdadalong taga-ibang eskwelahan sa paaralan namin para makipaglaban ng volleyball sa players namin. Galingan niyo! Maaliwasay National High School!

Talunin niyo yang mga feeling mayaman. 'Wag kayong magpapatalo sa mga guwapong iyan! At mga hot na iyan na hindi naman nakakapaso.

Kasalukuyang naglalaro ang aming team- ng school namin sa ibang team. Nasa second set na ang laro nila, natalo ang team ng school namin kaninang first set pero hindi magpapatalo ang Maaliwasay Eagle Spikers!

Nasa malapit kami ng pase-serve-van ng court nasa likod kami ng player ng school, sumunod kami ng lumipat sila kanina. Syempre sumu-support! Hindi magpapatalo ang M.E.S.! Talonin niyo ang mga ugok na iyan!

"Bry! Ilag!" Biglang sigaw ni Stephanie at hinila ako palapit sa kanya.

Malapit tumama ang bola na sapul sana sa mukha ko. Pero mabuti na lang save ako, hindi pa ako kinakarma, wahahaha!

"Yes! Yey!" Sigaw ko sa tuwa ng manalo ang ang players ng paaralan namin sa second set.

Nag lumipat ang M.E.S. sa kabilang court sumunod rin kami, nagiging buntot na kami nila.

16 ang score ng M.E.S at 19 naman ang paaralan ng CNHS. Napanganga ako ng malaman na ang City National High School pala ang kalaban ng M.E.S. dahil do'n kami magtr-transfer ng mga amaws ko.

"Bry! Yuko!" Sigaw ni Kle.

Pero hindi ko na nagawa napatingin ako sa court ng papunta na pala ang bola sa mukha ko.

Shit na! Sapul mukha ko men!

Ang iba sa kanila na patawa. Masarap sugorin! Kaso dumating si Karma eh!

Natumba ako dahil sa malakas na impact ng pagtama ng bola sa mukha ko, hinawakan ko ang butas ng ilong ko at may dugo ito. Wala pang may tumulong sa akin kahit kaibigan ko. Nabigla siguro sila.

Pero fruita mga lalaki hindi na gentlemen pare, hindi naman sila lahat!

"Sorry, Miss." Sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala na lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pilit akong tinatayo. At ngayon ko lang napansin na naka-volleyball shirts pala siya ng CN High School volleyball players.

Nang napatayo niya na ako, biglang dumilim ang paningin ko at parang nahilo ako. Naramdaman kong parang nasa ere na ako. At narinig ko naman ang iba nilang sigaw.

"Sorry talaga, Miss. Saan ang clinic niyo dito?"

"H-huh? A-ah doon!"

At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Sakit no'n ah, dumating talaga si karma para parusahan ako. Magre-request pa sana ako na nakaapak lang ng tae o nagkalagnat lang ako bilang karma pero sinapul ako sa mukha. Sisisihin ko iyong lukong 'yon. Kasalanan niya 'to.

Pero ma-humble tayo eh, kasalanan niya talaga. Puro kalaboan ka Bry!

"PASAPUL RIN SA MUKHA MO! KAKO KA!!" Napamura kaagad ako ng dumilat ang mga mata, Agad akong umupo pero agad rin akong bumalik sa pagkakahiga.

"Sakit sa ulo, men!" Reklamo ko pa.

"Manahimik ka, Ms. Francisco." Saway ng kung sino, okay, nurse lang naman dito pala.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now