Chapter 23

10 2 0
                                    

3 Weirdos
Chapter 23: Equals

Brycyl's POV

"Naks maka-proud, ano?"

"Oo. Sobrang tapang niya talaga."

"Sobrang torpe naman no'ng 'My' niya."

Bumaling siya sa akin kaya tumawa ako dahil sa pamumula ng mukha.

Umiling siya, "Torpe pa rin tawag mo sa akin? Eh, I'm already on the moves?"

"Owshie? Hindi pa pala kayo? Nasa the moves ka pa rin?"

"Syempre na sa kanya ang desisyon and I'm willing to wait," matamis siya'ng ngumiti at binalik ang mata sa stage.

Nakabalik na si Kle sa kinatatayuan niya kanina bago siya itinanong. She has her little smile.

Wendell tapped her shoulder and mouthed something kaya naalala ko kanina ang pagtitili sa kanya kanina. Sikat na sikat ah.

"Hindi pa kayo pero may pa— I love you tapos ni-ready na ang call sign. Mayroon pang midnight, daylight and all-light calls. Wow, andami niyong dinaig! Buti at gumalaw ka na rin."

Umirap lang siya sa akin at hindi niya ako pinasin. I chuckled and switched my attention to the stage.

Hindi ko agad mapigil ang pagtawa ko. Ano kayang klaseng tanong ang matatanggap niya at ano namang way siya sumagot sa katanungang ibibigay sa kanya? I'm excited para sa pabalang niya'ng sagot. Tatawa rin ako kung magse-seryoso.

"Hi," he said on the microphone.

Nagulat ako ng maraming tumili para sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang kaunting ngisi niya. Anyabang!

"Hi rin Mr. Damwel Zour De Guzman!"

Aba! Memorize ng MC ang full name. Crush niya ata. Ha?

"So... May jowa?"

Ah?

"Uhmm... Secret?"

Hala! Yuck!

"Ay... Sino si Secret?"

Napatawa ang lahat. Pati siya.

"Well, anyway. Dahil ayaw mo namang sabihin bumunot ka na ng pangalan ng judges na magtatanong sa'yo."

While he's doing what the MC said may kumalabit sa akin. Si Pem-Pem na sobrang hingal pa ata. Saan kaya galing ang isang 'to?

"Buwesit ka! Hindi ka man lang nag-text na dumating na si Randolph!"

Pinalo niya ako sa braso pagkatapos ay sinakal gamit ang kanyang isang braso. Sinubukan ko'ng abutin si Randolph para maghingi ng tulong. Nang bumaling siya gawi namin nanlaki ang mata niya at tumawa.

"Ikaw! Randolph! Huwag kang gumalaw diyan!"

Ginawa niya naman ang iniutos ni Steph at nanood sa harap na parang hangin lang kami bigla.

"Pem-Pem! Aray! Papatayin mo talaga ako?!"

Kinagat ko ang braso niya kaya nabitawan niya ako. Hingal ako'ng itinaas ang kamay upang bumanta na susuntokin siya sabay kagat labi dahil sa kaunting inis.

"Kanina pa ako doon sa gate!" galit niyang sigaw.

"Eh, kanina na rin kami dito! Bakit hindi ka sumunod?!"

"Malay ko bang andito na kayo," she cross her arms. "Umalis lang ako sandali para mag-ihi tapos pagbalik ko wala ka na sa gate. Eh akala ko lang naman may binili ka! Naghintay ako doon ng mga ilang oras na walang natatanggap na text mula sa inyo para ipagpaalam sa akin! " nanggigil na parang gusto niyang kurutin ang mukha ko.

3 WeirdosWhere stories live. Discover now