Frixiah P.O.V
Pumikit muna ako at hinilot ang aking sentido. Gusto kona matulog pero hindi pa ako tapos sa pag-e-edit at pagta-transfer ng pictures at bukas na ang deadline na iyon.
Pero paano ako matatapos nito sa trabaho kung hindi makapag-concentrate dahil sa lakas ng tugtog sa kabilang kwarto?
High school pa lang ay mahilig na ako na kumuha ng pictures kaya nang mag-college ay nag-take ako ng Fine Arts sa UP, Masuwerte din ako dahil sinuportahan ng mga magulang ko ang aking course.
Nagsimula akosa pagkuha ng mga litrato sa events gaya ng kasal, debut, hanggang sa may nag-offer na sakin ng malalaking projects commercials at fashion shows.
Nakitaan din ako ng talento, at first I was hesitated at dahil alam kong hindi basta-basta ang maging photographer sa malalaking event, lalo na at mga kilalang tao ang mga makakatrabaho ko. But after many days of contemplating at pagpipilit sa akin ni Nina ang nag-offer na ngayon ay naging matalik na kaibigan kona at pumayag, Pero nagsimula muna ako bilang assistant para mapag-aralan ang galaw ng mga modelo.
Eleven thirty na pero gising na gising pa ang nasa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga pa ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto, Kailangan itong pagsabihan dahil siguradong hindi ako matatapos sa trabaho.
“Acy, pwede bang pakihinaan ang speaker mo? Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko.” Bungad kosa nakababatang kapatid kona patalon-talon sa kama at ginawang microphone ang hairbrush niya.
Napailing ako dahil patuloy lang ito sa pagsigaw ng lyrics na akala mo ay nagko-concert. Ang buhay nga naman... Heto ako at gusto nang matulog pero hindi pwede habang ang kapatid ko, pakanta-kanta lang. Naglakad ako palapit sa speaker at ini-off iyon.
“Ate, naman! Hindi mo ba nakikita? Kumakanta ako!”
“Hindi ko lang nakikita, dinig na dinig ko pa. Kanta pala ang ginagawa mo? Akala ko kasi tumutula ka. Aba, baka mamaya sugurin tayo ng mga kapitbahay dahil sa pambubulahaw mo.”
Akala yata ng kapatid konatu ay napakaganda ng boses niya at nagko-concert sa Araneta. Wala ni isa sa amin ang niregaluhan ng mala-songbird na boses at tanggap kona iyon. Hindi man ako biniyayaan ng magandang boses, nagpapasalamat pa rin ako sapagkat nabigyan ako ng talento sa photography.
Pinaikot naman ni Acy ang mga mata niya at pasalampak na umupo sa kama.
“Okay lang iyan. Pasalamat nga sila at libre itong ginagawa ko.” sagot niya na ikina-Paltak ko ng daliriNa at namaywang.
“Sila pa talaga ang may utang-na-loob saiyo? Libre nga sila, tapos tayo ang gagastos para sa checkup ng eardrums nila. At kwarto pa ba ang tawag mo rito?” tanong ko at napangiwi nang makita ang mga poster na nakadikit sa dingding.
Hindi ganito ang hitsura ng kwarto ni Acy dati, May mga poster na nakadikit sa dingding pero hindi ganoon karami. Hindi kagaya ngayon na kahit saan ako tumingin ay parehong mukha ang nakikita, Hindi ko nga kilala kung sino ang mga tuh.
“Hindi. This is Dragon Teamer Sanctuary.” Tawang saad pa niya at itinaas ang dalawang kamay na parang isang kontrabida sa pelikula, na ikina-kunot ng noo ko.
“Ate, naman! Principal nga namin, kilala ang Dragon Teamer, tapos ikaw hindi? Tagaibang planeta ka ba? Kung ang ibang bansa, may Backstreet Boys, F4, One direction at BTS, tayo naman ay may Dragon Teamer. Sila ang pinakasikat na boy band ngayon at unti-unti na rin silang nakikilala sa ibang bansa, Di ba, Baby JVT?” baling niya sa picture frame na nasa bedside table.
“Hindi ba, photographer ka? At may malalaki kang project, hindi mo pa ba sila nakita?”
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...