Chapter 11

41 2 0
                                    

Frixiah P.O.V

Finocus ko pa ang camera sa harap ng dagat at kinunan iyon ng litrato napangiti ako nang makita ang larawan kitang-kita kung gaano kalinaw ang tubig, puting buhangin, bundok sa medyo malayo-layong lugar, at ang kulay-asul na mga ulap.

The place looked peaceful lalo pa at hindi maaraw. Isa lang ang masasabi kong sa lahat ng nakikita ngayong araw PERFECT.

Hindi ako makapaniwalang may ganoong kagandang lugar sa Pilipinas. It was their second day in Ginatilan Cebu at sa pagkakaalam ko ay iyon na ang huling island na pupuntahan namin.

We went island-hopping at kahit maaga kaming nagising at umalis ay hindi ako nakaramdam ng pagod at antok. I didn’t even care kung masunog ang balat ko basta ma-enjoy lang niya ang bakasyon.

Hindi naman pala nasayang ang pagpayag ni ko sa gusto ni Acy. Masarap din pala sa pakiramdam na wala kang ginagawa at wala kang iniisip na mga deadline.

Iyon na yata ang sinasabi ng mga magulang ko sakin... na kailangan kong mag-enjoy, magpahinga, at gawin ang mga bagay habang may oras at lakas pa ako dahil subsob ako sa trabaho hindi ko na namamalayan maraming magagandang tanawin sa Pilipinas.

Ayun tuloy... maraming oras na ang nasayang. I promised to myself na dadalhin ko ang pamilya ko sa lugar natu.

Kukuhanan ko pa sana ng litrato ang lugar nang bigla kong napindot ang shutter. Nabigla kasi ako nang lumitaw ang nakangiting mukha ni Jay Vincent.

Anong kailangan mo?”

“Nagulat ba kita? Huwag mong ihampas iyang camera. I just wanna give this to you.” nakangiting sabi niya at iniabot sakin ang isang buko na may straw.

Hindi ko na  makita kung ano ang hitsura ng bukol ni Jay dahil may gasa nang nakatakip doon pero kahit ganoon ang ayos ay hindi nabawasan ang kaguwapuhan niya.

Tiningnan ko ang hawak niya.

Ano iyan?”

“Buko? Hindi ka pa nakainom ng buko?”

Pinaikot ko naman ang mga mata ko saka padabog na tinanggap ang buko.

Thanks....” I murmured and sipped my drink.

Actually may bayad iyan, pero hindi naman pera ang hihingin ko kundi ang matamis mong ‘OO’." Napa-ubo naman ako dahil sa narinig muntikan na.
Hinay-hinay lang. Hindi ka mauubusan niyan.” sabi pa ni Jay Vincent, saka hinagod ang  likod ko.

Ano ba kasi ang pinagsasasabi mo?” naiinis na tanong ko nang makabawi.

Matamis na oo bilang kaibigan mo.”

Gusto kong ipukpok ang buko sa ulo ko... Ano ba itong pinag-iisip ko? Siyempre kaibigan.

Hindi naman nanliligaw si Jay.

Bakit ba gusto mo akong maging kaibigan?”

“Bakit naman hindi? Alam mo, ako kahit isang buko lang okay na basta ba ikaw ang buhay ko.”

“Pwede ba? Tigil-tigilan mo iyang kabaduyan mo?”

Saway ko kahit masakit na ang  panga ko at mga labi sa kakapigil sa pagngiti hindi ko pwedeng ipakita na naapektuhan ako sa sinabi niya.

“Hindi kaya baduy iyon. Alam mo, kung sa iba ko sinabi iyon malamang, kanina pa iyon tili nang tili by the way nawala ka ba kahapon? Wala ka kasi doon sa spa.”

Huminga muna ako nang malalim para maibsan kahit paano ang kilig na nararamdaman ko saka lumingon sakanya.

At sinong nagsabi na wala ako roon?”

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now