Chapter 7

49 3 0
                                    

Jay Vincent P.O.V

Pinaningkitan ko ng mga mata si Joseph at ang iba pang kabanda na natatawa sa hitsura ko, Nakaupo kami sa couch habang nakatukod ang aking mga siko sa mga tuhod idinidiin ko sa noo ang isang towel na may yelo.

Mabuti at hindi nagdugo ang  noo ko sa lakas ng paghampas sakin nung  babae ng iPad niya.

Ano ba kasi ang ginawa mo?” natatawang tanong ni Francis.

“I didn’t do anythi— Oh!” Napangiwi ako nang madiinan ang paglalagay ng ice pack sa noo ko.
Hindi yata babae ang isang iyon parang maton kung humampas.”

Pareho nga sila ni Faith.” natatawang komento ni Drake.

Si Faith ang makulit na kapatid ni Niel.

“Oo nga pero hindi naman iPad ang inihahampas ng babaeng iyon, I don’t get it. Hindi ba talaga tayo kilala ng babaeng yun?”

“Masyado yatang naguwapuhan kaya pinapapangit iyang pagmumukha mo.” sabi ni Niel at ikinatawa naman ng banda.

Guwapo? Hindi nga yata iyon marunong tumingin sa mga guwapo.

“O kaya, hindi niya ine-expect na hindi ka pala ganun kaguwapo sa personal.” pahabol na asar ni Niel sakin.

Tsssk... Alam ko na iniinis lang ako ng mga kabanda hindi naman sa nagmamayabang pero marami ang nagsasabing mas guwapo ako sa personal.

“Pero ang ganda niya, pati na rin 'yong babaeng kausap ni Joseph.” komento ni Drake.

“Hoy, Drake! huwag mong sabihing ide-date mo ang dalawang yun?” tanong ni Francis.

Hmm…” Sumandal si Drake sa sofa at kunwaring nag-isip pa.
Hindi pwede. Baka mamaya, batuhin ako ng yelo kapag nalaman na inagaw ko ang sa kanya."

Tiningnan ako nito at ngumiti nang nakaloloko, Kinuha ko ang throw pillow at ibinato yun sakanya pero nasalo niya ito.

What are you talking about and what’s with your faces?”

Para kasi itong mga tanga na ngingiti-ngiti and I hated it kapag ganito ang mga hitsura nila towards sakin.

Bakit ka nambato ng unan? Defensive.”

“Ano bang pinagsasasabi ninyo?” naiinis na tanong ko pa.

Napasinghap pa ako nang kumirot ang  noo ko.

Wala lang. Hindi mo siguro makakalimutan iyang babaeng yun because she is the first...” nakangiting sabi ni Drake at inakbayan ako.

Kumunot naman ang noo kosa First first na pinagsasabi niya.

What first?”

Uhmmm... Unang babae na humampas sayo ng iPad at nainis ka pa sa kanya. Palagi ka kayang kalmado at mahaba ang—” Hindi nito tinapos ang sinasabi at ngumisi sakin.

Gago! Gumagana na naman iyang kabast—”

“Mahaba ang pasensiya. Ikaw ang bastos, Nag-iisip lang ako ng tamang salita na babagay dun.” sabi ni Drake na ikina iling ko.

Ano pa nga ba ang makukuha ko sa mga kabanda?

And your point is?" I ask.

Kaya ka niyang inisin.”

“And so?”

“Bro, hindi ka kaya madaling mainis. Hindi katulad ni Joseph pero kapag iyong babaeng chick na yun ang pinag-uusapan natin, naiinis ka agad.”

First of all... tao siya, hindi chick. Second, alam mo ba kung ano ang ginawa niya? Ihampas ko kaya iyang iPad sa ulo mo kung hindi mabiyak? Kung nakita niyo lang kung paano niya ihampas—”

“Nasa itaas lang kaya kami at kitang-kita namin kung paano mawala ang pasensiya mo nang hampasin ang ulo at matamaan ang panga mo. Nakita rin namin kung paano nawala ang inis ni Joseph nang makita ang isang babae.” sabat ni Niel.

Tumingin ako kay Joseph na nasa harap ko lang pala hindi man lang ito nagsasalita, Panay ngiti at tawa lang.

What a great show indeed,” komento ni Francis at nag-high-five silang tatlo ni Drake at Niel.
Alam mo, mag-sorry ka na lang sa babaeng iyon. Baka natakot yun saiyo natutulog at bigla mong tinawag na sexy.”

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kasalanan ko ba  kung iyon ang nakita ko? Hindi ba dapat nga ay magpasalamat pa ito dahil nagbigay ako ng compliment?

Bakit ako magso-sorry? Ako ang agrabyado, tapos ako pa ang magso-sorry?" Tanog ko ulit.

Kasi nga ginulat mo at kung hindi ka ba naman tanga, sinabi mong isa kang magnanakaw.” katwiran ni Francis.

“Binobola ko lang naman siya. Malay ko bang maniniwala.”

What’s the saying again? Magbiro ka na sa… saging huwag lang sa lasing…? What?” tanong ni Darkw na halatang naguluhan din sa sinabi at kinamot pa ang ulo.

Ano’ng saging ba ang pinagsasasabi mo? Magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing.” pagtatama ni Francis.

“Nakakabobo naman itong pinag-uusapan natin. It’s magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.” singit ni Joseph.

Auh.” tumatangong sabi pa nina Drake at Francis.

Sino ba naman kasi ang nagsasabi na nagbibiro ako tungkol sa compliment?” sagot kona patanong sakanila.

“So, talagang na-sexy-han ka sa kanya?” amused na tanong ni Niel sakin.
Uy! saan ka na naman pupunta?”

Patitingnan ko itong ulo ko.” simpleng sagot ko at naglakad palabas ng villa.

May in-house doctor kami sa resort in case of emergency. It was better to be safe than sorry, Mukhang mapupuruhan ang  ulo ko kung hindi ko napigilan agad ang mga kamay niya.

Biyak na siguro ang ulo ko kung nagkataon. I really had a good temper at hindi ako papayag na may isang babae ang kayang gawin iyon sakin.

Napamura ako nang mauntog ang ulo ko sa pinto.

Bakit ba hindi ko tuh napansin? Narinig ko pang tumawa ang mga kabanda.

Damn it!

*End of Chapter 7

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now