Frixiah P.O.V
“H-hoy! saan mo ako dadalhin?”
“Wala.” matipid na sagot ni Jay Vincent habang tuloy-tuloy sa paglalakad.
Bakit parang siya pa ang galit?
Napahinto siya sa paglalakad nang may humarang na isang grupo ng babae.
“Uhm… JayVT. U-u-Auhm... Ano kasi—ano ba… Ang guwapo mo kasi.”
“Ano, pwede pa-picture?”
Ang walang kamatayang pagpapa-picture.
Subukan niyang iwan ako rito at makakakita talaga ito ng lumilipad na camera!
Naipikit ko ang mga mata nang biglang tumili ang mga babae, Paano di titili pumayag Lang naman si Jay Vincent na magpa-picture.
Pinaningkitan ko ito ng mga mata.
Ibig sabihin ay iiwan na naman ako ni Jay.
Sinubukan ko na bawiin ang aking kamay pero hindi niya pinakawalan yun.
Ibibigay na sana ng isang babae ang camera sakin pero hindi pumayag si Jay Vincent na ako ang mag-picture sa halip tumawag siya ng isang tour guide para kumuha sa larawan namin.
“Bitiwan mo nga kamay ko.” mahina at mariing utos ko.
“Huwag kang malikot may magpapa-picture.” sagot ni Jay Vincent na hindi nakatingin sakin.
Nagsimula nang mag-pose ang mga babae at gusto ko na rin umalis sa grupo nila. Sinubukan kong kumawala kay Jay pero humigpit lang lalo ang pagkakahawak nito sakin.
Nang alisin niya ang pagkakahawak sakin akala ko ay makakalaya na ako—
Pero bigla na lang niya ako inakbayan at kinabig palapit sakanya nalanghap ko tuloy ang mabangong amoy niya.
Tumingala ako at tiningnan si Jay Vincent ng masama.
“Bitiwan mo ako at hindi kaya ako—”
Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil bigla na lang niya hinawakan ang aking mukha at ipinabaling sa harap ang tingin at eksakto namang narinig ko ang tunog ng shutter.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang hitsura ko sa pictures.
“Okay na ba sa inyo ang mga picture? By the way I want you to meet my friend, Frixiah.” pakilala ni Jay Vincent sakin at nagpatuloy sa pagsalita.
“So, una na kami sa inyo, guys?”“Bakit mo ako ipinakilala?” tanong ko nang makalayo kami sa grupo ng mga babae.
“Hindi pa man tayo kaibigan, at least may mga tao sa paligid natin na alam na magkaibigan tayo.” sagot ni Jay Vincent ng tipid saka ngumiti.
Unti-unting kumawala ang isang maluwang na ngiti saking mga labi hindi ko alam pero parang may kamay na humaplos saking puso kahit wala na akong ibang ginawa kundi ang sigawan o saktan ang siya, ipinakilala pa rin ako nito bilang kaibigan.
Ang isang sikat na tao ay ipinakilala ako sa fans nito kahit hindi lang kami matagal na magkakilala.
In fact, I was happy. Parang nabawi niya ang pang-iiwan sakin kahapon at ang lahat ng kasalanan niya kung mayroon man.
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...