Frixiah P.O.V
“Dragon Teamer, my Babes. Kahit sino sa kanila ay okay nang maging boyfriend ko, Promise. Hindi ako choosy.” sabi ni Niña.
“Sige, basta huwag lang si Ja—” Narinig ko napasinghap siya kaya natigilan ako sa pagsasalitan nang tingnan ko si Niña ay nakangiti ito nang nakaloloko.
Nag-iwas agad ako ng tingin dahil alam kong namumula na ang aking mga pisngi sa pangyayari natu hindi ko napigilan ang sarili na magsalita, lalo na at sinabi niya na kahit sino sa kanila pero gusto ko ay sakin lang si JayVT.
“Ang ganda ng mood natin ngayon, auh...” natatawang komento ni Niel at pasimpleng tumingin kay Jay Vincent.
“Magbabago na ang mood ng isa pero ang isa, bumabalik na naman sa dati. Ang tagal na rin kasi na hindi niya ito nakita, hindi ba?” singit ni Drake at sinulyapan si Joseph.
Pinaningkitan naman siya ng mga mata ni Joseph pero ngumisi lang ito.
“Ang daldal niyo talaga minsan, noh?” patanong na sabi ni Jay Vincent at inakbayan sina Niel at Drake.
“Na-miss mo siguro kami, nuh?” tanong ni Francis sakin.
“Baka si JayVT lang ang na-miss niya.” sabat ni Niel at tumawa.
“Siyempre, cute ako kaya na-miss niya ako.” kampanteng sabi ni Jay Vincent.
Lumipad naman ang mga tingin ng kabanda kay JayVT.
“Seriously? Dati ayaw mong tinatawag na cute kesyo pambata and now you’re telling us that you’re cute?” di-makapaniwalang sabi ni Niel.
Nagkibit-balikat lang si Jay Vincent at itinaas ang dalawang kamay.
“Cute is the new handsome.” sabi niya at kumindat sakin.
Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi ko ay natunaw din ang aking puso.
“Hayan na naman kayo, baka magulo naman iyang mga ayos niyo. Nabalitaan ko na ikaw ang nakasama ng mga ito sa getaway kaya mas madali na siguro ang trabaho dahil kumportable na kayo sa isa’t isa. Alam mo na kung gaano kapasaway ang mga iyan at kapag hindi talaga makinig sayo, bigwasan mo ng camera mo,” singit ng babae na sa pagkakaalala ko ay manager ng banda.
“Elyn, their manager.” pakilala pa nito.Tinanggap ko ang pakikipagkamay kay Elyn at nagpakilala rin. Natawa naman ang limang lalaki nang marinig ang sinabi ng manager.
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi at sinulyapan si Jay Vincent pero agad ko din binawi ang tingin nang makitang nakatingin din pala siya sakin... Napansin ko wala na rin ang bukol niya.
“Don’t tell me, siya ang sinasabi niyong babaeng nanghampas kay JayVT?” nanlalaking mga mata na tanong ni Elyn.
“Uhm… Ano po kasi… ” Napayuko na lang ako dahil di ako makahanap ng sagot kase totoo naman.
Itutuloy na ba nito ang demanda?
“Huwag ka nang mag-explain. Buhay pa naman sila at okay lang iyon para naman matauhan iyang mga yan.” natatawang sabi ni Manager Elyn.
Tumawa uli ang mga Bandang Dragon Teamer at napakamot na lang sa ulo si Jay Vincent. Nakahinga ako nang maluwag dahil ang akala ko ay magagalit si Elyn sakin.
At baka masira na rin ang pangalan ko. Paano na lang ang pinapangarap kong studio?
“So, start na tayo? Let’s go with group muna, tapos mamaya na iyong solo, okay? I just want it to be natural.” sabi ng art director na si Mr. Sacares.
Bago nagsimula, nagpaalam na si Elyn dahil may kailangan pa raw itong ayusin, nagpunta ang grupo sa kanya-kanyang puwesto. Dinouble check ko naman ang settings ng camera.
Napapitlag pa ako nang makitang nasa harap ko pa si Jay Vincent na kinikilalang si JayVT.
“May kailangan ka?” tanong ko.
“May gusto lang akong sabihin…”
Napaatras ako agad dahil bigla nitong inilapit ang mukha sakin at bumulong. Napalunok pa ako sa narinig at parang mp3 player na nag-play sa aking utak ang sinabi nito—
I miss you, Xiah…
Hindi na ako magtataka kung biglang lumabas ang aking puso sa sobrang lakas at bilis ng tibok kung alam lang ni Jay Vincent kung gaano ko din siya na-miss.
Noong umuwi ako galing ng getaway ay hinahanap-hanap ko ang pangungulit niya at presinsya. Tuwing wala akong ginagawa, nagbabasa ako ng facts tungkol sa banda nila at marami na rin ang alam ko.
Halos memorized ko din ang mga kanta ng Dragon Teamer at kahit ipikit ko ang mga mata ay alam ko na kung alin ang boses ni JayVT.
Kinuha ko rin ang isang litrato niya sa kabundok na koleksiyon ng aking kapatid at dinala sa sariling kwarto nang hindi nagpapalaam at kahit gusto kong gawing wallpaper ang litrato namin ay hindi ko magawa. Baka makita pa ni Acy at kung ano ang isipin nito.
Tanggap ko na sa aking sarili na may nararamdaman na ako para kay Jay Vincent.
*END OF CHAPTER 17*
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...