Chapter 21

22 2 0
                                    

Frixiah P.O.V

Alam kong na pagsisisihan ko ang aking mga sinabi pero alam ko din iyon ang makabubuti sa aming dalawa ayaw ko masira kung ano man ang narating ni Jay Vincent sa buhay.

Napapitlag ako nang biglang may bumangga sa aking balikat. Mabuti na lang at hawak pa ni Jay Vincent ang kamay ko dahil kung hindi ay nakipag-meet & greet na sa lupa ang aking  mukha.

S-sorry, Miss. Oh, my… JayVT is that you?”
Hindi pa man sumasagot si Jay Vincent ay nagtititili na ang babae kaya nakuha nito ang atensiyon ng mga tao sa paligid.
“Uhm. Grabe, pwede bang magpa-picture?”

Tumingin naman si Luke sakin na parang humihingi ng permiso pero ibinaling ko sa ibang direksiyon ang aking tingin.

Bakit kailangan pa ako nitong tingnan? Hindi naman ako nakahawak sa buhay niya.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak ng kamay ko sakanya pero hindi ako nito pinakawalan.

Ay... sorry, Miss. Hindi pa ba kayo tapos mag-usap?” Parang ngayon lang ako napansin ng babae.

Ngumiti ako at umiling.

“Ay, hindi. Paalis na nga ako... eh. Sige, magpa-picture na kayo sa kanya.”

“Uhm, kaano-ano ka ni JayVT? Girlfriend ka ba niya? Nakita kasi namin kanina na hinalikan ka ni JayVT.” singit ng isang bagong dating na babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, Ibig sabihin ay kanina pa sila nakamasid sa amin.

She’s my girl—"

“No. I’m just one of his fans. Birthday ko kasi ngayon kaya ni-request ko sa kanya and he gladly did it.” salo ko sa sasabihin ni Jay.

Naramdaman ko lumuwag ang pagkakahawak ni Jay Vincent sa aking kamay kaya lumayo ako nang kaunti, kasabay ng pagluwag ng kamay niya ay parang may pumiga sa aking puso.

He was letting me go…

Talaga? Mabuti na lang at hindi ka niya girlfriend. Ay... sorry. What I mean is, may pag-asa pa kami sa kanya.” nakangiting sabi ng babae at nagtitili na naman.

Parang nagkaroon ng stampede sa lugar dahil biglang dumami ang mga tao sa paligid. Unti-unti na rin akong nalalayo kay Jay Vincent dahil nakipagsiksikan na ang mga tao roon.

I smiled bitterly. Ngayon pa lang na hindi niya ako girlfriend ay may ayaw na agad sa amin.

What more kung maging kami?

Marami ang karibal ko... Ngayon ko nakikita kung gaano kalayo ang mundo namin.

Tumalikod na ako. Siguro panahon na para magising, I heard him call my name pero dumeretso lang ako ng sakay sa taxi. Imbes na bumalik sa studio ay umuwi na ako at dumeretso sa kwarto. Gusto kong magkulong at mag-isip.

“O, Frixiah bakit ganyan ang hitsura mo? Natalo ka ba sa lotto?”

“'Mama! M-ma...” mahinang sabi ko.

At tumakbo papunta kay mama at niyakap ito nang mahigpit. Sa tingin ko ay mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa natalo sa lotto.

Doon ko inilabas ang mga luhang kanina pang nagbabantang tumulo.

Ang sakit...Umibig.

*END OF CHAPTER 21*




Note: 𝑺𝒐 𝒚𝒖𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒚𝑳𝒖𝒗𝒔 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒂 𝒆𝒏𝒅 𝒊𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒏𝒂𝒕𝒖 𝑰 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒍𝒍 𝒆𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝑺𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝑴𝒊𝒏𝒆𝒆𝒆𝒆....𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒊𝒔 𝒅𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒎𝒚 𝑩𝒐𝒚𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅 𝑩𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒂𝒚 𝑯𝒉𝒆𝒉𝒆𝒉𝒉𝒆𝒉𝒆𝒉𝒆. BTW Happy new year to all I miss You all!❤️

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now