Frixiah P.O.V
“Bakit pa tayo lumabas?” Inilibot ko ang paningin sa loob ng coffee shop nasa isang sulok kami kung saan walang masyadong taong nagagawi sa pwesto na iyon.
“Para maiba naman. Nakakasawa na sa bahay o sa studio, maraming mga asungot hindi tuloy tayo nakakapagsolo.” kalmadong sagot ni Jay Vincent.
Alam ko na ang mga kabanda ni JayVT ang tinutukoy niya. Tuwing mag-uusap kami ni Jay Vincent ay palaging may sisingit kahit hindi naman importante ang sasabihin, Halatang inaasar lang si Jay.
I was enjoying our moment pero parang mas gusto ko na kami lang dalawa ni Jay Vincent ang magkasama.
Hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya para sakin basta ang alam ko ay masaya at gusto ko itong kasama. Pagkatapos ng photo shoot ay maraming nagbago samin.
This was not the first time na kumain kami nang magkasama but this was the first time na lumabas kami, Madalas kaming magkita for the past few days pero it’s either sa studio o sa bahay ng banda dahil ako mismo ang nagsasabi na huwag silang lumabas kahit pinipilit ako ni Jay Vincent.
Ayaw ko na lumabas kami dahil natatakot akong baka may makakilala kay JayVT at kung ano pa ang lumabas sa diyaryo, Alam ko kung paano gumawa ng headlines ang mga taga-media.
Pero dahil sa magaling siya sa kapipilit sakin ay napapayag ako nito...Nagsasawa na rin naman ako sa parehong lugar na pinupuntahan namin.
“May importante ba tayong dapat pag-usapan?” tanong ko.
“Oo. Tayo.”
Nahigit ko ang aking hininga sa narinig kung sa paningin ko ay tumigil ang lahat, kabaligtaran naman iyon sa aking nararamdaman. Parang mabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok nang aking puso.
“Baka makapasok ang langaw sa bibig mo. Inumin mo na ang kape.”
Kumurap-kurap ako at itinikom ang bibig, Tumikhim ako at ibinalik ang aking tasa sa mesa.
“Hindi ka iinom?” nagtatakang tanong ni Jay Vincent. Huminga muna ako nang malalim para kalmahin ang sarili.
“Mamaya na lang. Ano nga uli ang sinabi mo?”
Natatakot akong baka mamatay na ako kung iinumin ko pa ang kape gayong wala pa nga akong iniinom pero nararamdaman kona ang epekto ng pagkagising.
Ngumiti si Jay at napailing.
“You know what, you get more beautiful every day and I can’t help myself falling for you.”
“A-ano?”
“Are you okay? Bakit parang wala ka sa sarili ngayon?” natatawang tanong niya.
Kagagawan mo ito!
“Ayusin mo kasi iyang pinagsasasabi mo. Ibuhos ko iyong kape sayo.” naiinis na sabi ko.
How could this man act like nothing was happening while here I am at kulang na lang ay magsirko ang aking puso at mag dunk nalang sa Ring?
Wala naman akong ginagawa at hindi rin ako nagpapa-derma kaya imposible ang sinasabi nito.
Baka iyon na ang sinasabi ng mga tao na kapag in love ay blooming?
In love? Kailan pa ako na-in love?
Sumubo ako ng Chocolate crepe na nasa plato para pakalmahin ang aking sarili wala akong may naintindihan sa pinag-uusapan namin ngayon, Hindi ko nga alam kung tama ba ang mga naririnig ko o guniguni lang iyon.
“Huwag mo nang ibuhos ang kape mo sakin. Masasayang lang, mas gugustuhin ko pa kung bubugbugin mo na lang ako.”
Kumunot naman ang aking noo.
“At kailan pa ako nambugbog?” tanong ko.
“Mula ngayon, bugbugin mo ako ng mga halik mo because I really like you, Xiah.”
Napanganga akosa sinabi niya at dahil sa pagkabigla ay nabitiwan ko ang tinidor na gumawa ng ingay.
Napatingin tuloy samin ang mga tao sa Cafeteria.
LAGOT!
*END OF CHAPTER 18*
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...