Chapter 8

37 3 0
                                    

Frixiah P.O.V

Huminga pa ako nang malalim, Kung pwede lang maubos ang hangin ay kanina ko pa iyon naubos at nakabulagta na kaming lahat sa buhangin hindi ko na maalala kung kailan pa ako nakalanghap ng preskong hangin.

I could stay here forever.

Tiningnan ko ang mga kasamahan kuna naliligo sa dagat, Kinausap ko din ang pamilya ko sa telepono kaya hindi na ako nakahabol pa.

As usual, nakitsismis ang madaldal kong kapatid na si Acy. Gustong kong sabihin na unang araw pa lang ng bakasyon ay disaster na ang nangyari pero mas pinili ko na lang  manahimik kahit kating-kati na ang dila ko na ikuwento ang mga nangyari kaninang umaga, I didn’t know what happened pero pinabango ko na lang  ang image ng idol niya.

Hindi masyadong maraming tao dahil hindi pa naman kasagsagan ng summer at siguro ay kinontrata ni JayVT ang mga security na limited lang ang makakapasok dahil nga may sikat na personalidad sa loob ng resort.

Kinuha ko nalang ang camera kosa lagayan nito at panahon na siguro para magkaroon ako ng selfie, Mas gusto kong kumuha ng picture ng ibang tao kaysa ang sarili ko pero hindi ko din palalampasin ang pagkakataong ito lalo na at maganda ang View ng Background.

Mukhang nahihirapan ka. Pwede ka namang humingi ng tulong.”

Napahinto naman agad ako  sa ginagawa ko at tiningnan ang lalaking hindi yata marunong ngumuya at nilunok nang buo ang mga pandesal at dumeretso agad sa tiyan.

The man standing in front of me, own a Greek-like body.

Lalo na at tumatama ang sinag ng araw dito.

Sino ang tinutukoy ko?

Walang iba kundi si JayVT.

Hindi lang pala ang mukha nito ang guwapo dahil sumisigaw rin sa ka-sexy-han nang katawan nito, Ngayon lang ako nakakita ng lalaking may bukol na nga ay guwapo pa rin lalo na at wet look ang peg.

Why was I having the urge to touch those wet abs?

I-enjoy mo na lang ang view, sayang naman lalo na at free viewing, take a also a picture it last longer.”

“Hindi ako nag-e-enjoy. Nakaharang 'yang katawan mo sa view ko.” defensive ko pang sagot.

Halata ba na tinititigan ko ang katawan niya?

Kung 'yan ang sinabi mo, Ibigay mo na lang ang camera mo sakin at ako na ang kukuha ng litrato para hindi ka na mahirapan.” alok niya.

No, thanks. I can manage.”

Nagsimula uli ako sa pagkuha ng selfie wala na akong pakialam kung nasa harap kosi JayVT. Ayaw kong isipin nito na nahihiya ako o nako-conscious kahit iyon naman talaga ang  nararamdaman ko.

What do you want? Bakit nakabalandra pa iyang mukha mo riyan?” pagtataray ko.

Ayaw kong pinagmamasdan niya ako dahil para akong natutunaw. I didn’t even know kung ano ang mas mainit, Ang sinag ng araw o ang titig niya.

If you don’t need some help. Me, I need some. Can you please get my towel?”

“Akala ko ba, sayo itong hotel na ito? Bakit sakin mo hinihingi ang tuwalya mo?”

“Actually nasa likuran mo kasi. Hindi naman siguro nakakahiya kung iabot mo ang towel ko na ilang pulgada lang ang layo sayo, diba? Sorry naman kung naistorbo ko ang pagkukuha mo ng litrato pero nilalamig na talaga ako rito.” Niyakap pa niya ang sarili.

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now