Chapter 16

34 2 0
                                    

Frixiah P.O.V

Frixiah, naasan ka na? Na-set na namin ang location at nagre-ready na ang models mo.” tanong ni Niña mula sa kabilang linya.

Nandito na ako sa baba. Sorry, traffic kasi kaya na-late ako nasabi mo na ba sa kanila ang sitwasyon? Nakakainis... Niña, ha? Pati tuloy ako naloloka dito. Mamaya na lang tayo mag-usap. Pasakay na ako sa elevator.” sagot ko pa, saka in-end  ang tawag.

Pinindot  ko na ang 16th Floor button kung nasaan ang studio niya. Tinawagan ako ni Niña dahil nagkaroon daw ng emergency ang dapat na photographer para sa shoot ngayon hindi makarating.

Since napalapit na si Niña sakin ay pumayag na ako wala rin naman akong schedule para sa araw na iyon. At higit sa lahat, sayang din ang pera para pandagdag-puhunan na rin iyon.

Kaya basta basta ko na lang ipinasok sa bag ang mga gamit at dali-daling lumabas sa bahay, mabuti nga at nakiayon sakin ang daan papunta roon dahil hindi masyadong traffic.

Pagkarating sa studio ay kinuha agad ng assistant ko ang camera para i-connect na sa computer at lightings. Sanay na akong kumuha ng litrato pero hindi ako sanay kung ibang camera ang gamit ko.

Para sakin hindi magiging maganda ang kuha kung ibang camera ang aking nagagamit kahit na sinasabi ng iba na wala namang ipinagkaiba iyon.

Mabuti na lang at kilala ko iyong art director at naintindihan din naman nila kahit medyo na-bad trip, okay na raw basta magaling ang kukuha and I recommended you.” proud na sabi ni Niña.

Alam nito ang plano ko. At first, nahiya ako nang sabihan ko siya dahil pakiramdam ko ay trinatraydor niya ko ko siya  but instead, I understood her and supported her. Niloko pa niya akona maging partner na lang kami pero hindi ako pumayag.

I wanted to start on my own dahil iba pa rin kapag nakita mo ang lahat ng pinaghirapan mo.

Tiningnan ko ang setup ng studio. Mukhang hinati ang studio dahil sa isang set ay plain white lang ang backdrop samantalang sa isa ay may tatlong electric guitar, malalaking speaker, isang microphone na may stand at sheet music stand.

Para sa ano nga uli itong shoot na ito at sino ang models? Pwede pa-briefing nalaglag yata sa utak ko ang lahat ng mga sinabi mo dahil sa kamamadali ko." sabi ni Gabrielle sa kaibigan.

Para sa Alliahn's Clo-Shop. Bagong endorser ang mga damit nila so maraming set ang gagawin it would be a two-day photo shoot. Nakita mo iyong bakla, siya si Mr. Sacares iyong art director.”  Paglalahad ni Niña sa MGA tao sa studio na  makakatrabaho ko sa team.

Ang Alliahn's Clo-Shop ay isang kilalang local brand ng clothing line pero kahit local ay magaganda ang designs at quality kaya pati presyo ay maganda rin.

Sino naman ang models?”

“Dragon Teamer.”

Bigla nanan akong natigilan sa aking napakinggan pakiramdam ko ay may pumiga sa aking puso nang marinig ang pangalan ng banda.

Iisang tao lang kasi ang pumapasok sa isip niya kapag naririnig ang pangalang “DRAGON TEAMER.”

Anong nangyari sayo? Bakit tumigil ka sa paglalakad?” nagtatakang tanong ni Niña.

S-sino nga ulit?” tanong ko ng  nakaatingin sakanya.

Dragon Teamer. Hindi ba, nagkita na kayo? Ano, yummy ba?” excited pang tanong niya.

N-Niña, bakit ngayon mo lang sinabi na sila pala ang agent ko? Sana nakapag-ayos naman ako.”

Niyuko ko ang aking ulo upang masuri ang aking pormahan ngayon isang simpleng blouse at fitted skinny jeans ang aking suot. Naka-ponytail ang buhok na alam kong magulo dahil sa elevator ko lang tinali higit sa lahat wala din akong lipstick.

Totoo ba ito?! Tinatanong mo sa akin kung maganda ka?!” tili ni Niña.

Natigilan ako nang ma-realize ang sinabi ko. Totoo bang tinanong ko kung maganda ako? Ilang linggo rin kaming hindi nagkita ni Jay Vincent kaya gusto ko ay maganda akong tingnan.

Teka nga at kailan pa ako na-conscious sa aking mukha?

H-hindi. Siyempre kilalang banda sila baka isipin nila, hindi ako professional.” dahilan ko pa at nag-iwas ng tingin.

Nagpapalusot ka pa kay daming model din na mga kilala at professional dati pero ngayon ka lang na-conscious sa mukha mo.” angal pa ni Niña na maluwang ang pagkakangiti at kumikinang pa ang mga matang nakatingin sakin.
Sino ang gusto mo doon?” tanong pa niya.

Imbes na sagutin siya ay naglakad na ako papunta sa set at nagkunwaring inaayos ang aking camera.

Hoy, babae! Huwag kang magpaka-busy sagutin mo ako. Sino nga sa kanila?” pangungulit pa nito.

Wala nga.”

“Dragon Teamer!”

Agad namang lumipad ang aking tingin para hanapin ang banda. Nagkandahaba-haba na ang aking leeg pero wala akong makitang anino ng mga ito halos batukan ko na si Niña nang marinig kong tumawa ito.

Niloloko mo naman ako, eh!” naiinis na sabi ko.

Hindi ka kasi nagsasalita magtatampo na talaga ako. Tell me, sino nga sa kanila ang crush mo?”

Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Niña dahil natuon na ang aking attention sa isang grupo na parang mga Greek god na naglalakad at nagmamay-ari ng mundo dahil sa taglay nilang appeal.

Hinanap ko agad ang lalaking matagal ko na gustong makita and my world momentarily stopped when I saw him. Gusto kong takbuhin at yakapin si Jay Vincent pero pinigilan ko ang aking sarili.

Kailan ba ang huli naming pagkikita? One week lang naman, pero parang isang taon na ang lumipas.

Habang papalapit si JayVT sakin ay palakas nang palakas ang tibok ng aking puso at parang lumiliit din ang espasyo sa maluwag na studio.

How I missed that smile…

Kinakabahan ba ako?

O may sakit na itong puso ko?

Para kasing may kabayong sumipa sa dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Jay Vincent.


*End of CHAPTER 16*

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now