Frixiah P.O.V
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ko na ang building ng recording studio na buo pa ang katawan at hindi punit-punit ang damit.
Parang ako isang magnanakaw dahil panay ang silip sa labas ng aming bahay kung may tao o mga reporter pero sa kabutihang-palad ay wala naman.
Nagising ako dahil sa tili ni Acy at parang isang hayop na ikinulong at kalalabas pa lang sa sobrang likot at ingay niya. Hindi ko alam kung anong oras ako natulog kagabi kaya antok na antok pa ako pero parang ako binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang nagkalat na mga litrato sa isang social media site.
Mga litrato namin ni Jay Vincent sa kalye habang nag-uusap pero ang nakakuha ng aking atensiyon ay ang litratong hinalikan niya.
Base sa angle ay naghahalikan kaming dalawa.
Tatanggi pa sana ako na hindi ako iyon dahil hindi naman halata ang mukha ko dahil madilim ang paligid pero inunahan ako ni Acy. Kinuha nito ang suot ko kahapon sa labahan at ipinakita sakin.
Sobrang saya ni Acy na akala nito ay nanalo kami sa lotto pero hindi talaga nito alam ang totoong nangyari, Pinabayaan ko na lang siya kung ano ang iniisip nito dahil pagod pa akong makipag-usap.
Napalitan naman ng inis ang mga ngiti ng aking kapatid nang makabasa ng iba’t ibang negative comments tungkol sa litrato na kesyo flirt daw ako, inakit ko daw si JayVT at kung ano-ano pa.
Pero may iba rin naman na masaya at curious kung sino itong “MYSTERY GIRL” kuno.
Bago ko pa man maitapon ang laptop ng aking kapatid ay naligo na lang ako para makalma.
Ano kaya ang masasabi ni Jay Vincent tungkol sa Picture?
Tinanggal ko ang suot kona malaking sunglasses at bago pa man maibalik saking bag ay nahulog iyon.
“Xiah?”
Napatayo ako nang tuwid.
Bakit hindi bumibilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya ako?
Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at nakita ang taong matagal ko na hindi nakikita at ang rason kung bakit hindi ko pwedeng gustuhin si JayVT.
“James...” mahinang sambit ko sa pangalan ng aking ex-boyfriend. Ngumiti naman si James at ito na mismo ang kumuha ng sunglasses at iniabot sakin.
“T-thanks.”“Kumusta ka na?”
“Okay naman ako. Ikaw?”
Wait! Bakit kung makakumusta ka, parang walang away nangyari sa atin dati? singit ng isang bahagi ng isip ko.
“Okay lang,” sagot ni James at nabalot kami ng katahimikan. “Are you still mad at me? Mali pala. Alam kong galit ka pa sa akin. Let me take this chance para humingi ng tawad. I’m sorry sa lahat ng ginawa ko I know na may nagbago sayo noong iniwan kita. I’m just not sure of it. Aaminin kong gago ako dahil iniwan lang kita nang basta-basta. Hindi ko iyon ginusto but I had to. Mas masasaktan ka kapag ipinagpatuloy pa natin iyon dahil hindi na ikaw ang mahal ko. Trust me, I loved you. It’s just that things didn’t work out for us. Sorry kung mas pinili kong iwan ka. Nakikilala pa lang kami and we were just starting our career, Natakot ako na baka bigla na lang mawala iyon. I’m sorry I was a coward I know that there’s no use explaining this to you. But I just want to tell you I’m sorry. Alam ko namang hindi mo ako mapapatawad agad.”
Kinapa ko pa ang sariling damdamin ko pero wala akong maramdaman na kahit ano.
“Ang plano ko pa naman, ihahampas ko ang Tablet sa ulo mo kapag nakita kita para naman makaganti ako sa lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin,” natatawang sabi ko, lalo na at nakita ko ang pagkasindak sa mukha niya.
“But don’t worry, dati iyon.” Dagdag kopa na kaya't nakahinga naman nang maluwag si James.
"You’re forgiven. It’s already been what, four years? Hindi ko man makalimutan ang mga ginawa mo pero hindi na ako galit. It’s all in the past now.”Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin pero totoo ang lahat ng mga sinasabi ko. Tanggap ko na hindi ako ang para kay James because someone deserved her more. Para pa ngang nakahinga ako nang maluwag na nakausap ko ang aking ex-boyfriend. Maybe it was really the time to forget all the things that he had done.
Alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng move on. Iyon ay kahit ma-alala mo man ay hindi mo na maramdaman ang sakit o galit.
“Friends?” nakangiting alok ko at inilahad ang kamay.
It was time to move on to the next chapter of my life.
“I hope makita mo ang lalaking para sayo. Iyong hindi kagaya ko na duwag.” nakangiting sabi ni James at tinanggap ang pakikipagkamay ko.
*End of Chapter 23*
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...