Frixiah P.O.V
Napuno nang tawanan at kantiyawan ang living area ng Villa ngayon kahit ako ay nakitawa din, Pinagkakaisahan kasi ng Dragon Teamer si Jay Vincent.
Pagkatapos ng sweet moment daw namin kagabi ay bigla na lang sumandal si Jay sa aking balikat at naramdaman ko ang pantay na paghinga nito, senyales na nakatulog siya.
Ako ang nagdala kay Jay Vincent pabalik sa villa mabuti na nga lang at nakita kami ng ibang kabanda nito at tinulungan ako, Nang tanungin naman ako kung ano ang nangyari ay sinabi kong inubos ni Jay Vincent ang isang bote ng beer.
Wala akong balak sabihin na hinalikan niya ako. Hindi nga ko alam kung naalala pa iyon ni Jay Vincent but I would never forget what happened last night.
Alam kong hindi dapat mangyari iyon pero wala akong pagsisisi.
“Hindi ka na nahiya? Ang babae pa ang naghatid sayo pabalik dito?” kantiyaw ni Drake.
“And why did you even drink last night? Wala namang okasyon.” tanong ni Francis.
“Shut up, Bruh.” naiiling na saway ni Jay at ibinato ang isang throw pillow pero agad namang nakailag ang mga kabanda.
I wiped the tears from my eyes pero natigil ako sa ginagawa nang may humablot sakin mukhang naging hobby na ni Jay Vincent ang hatakin ako at nasanay rin naman ako.
“T-teka, iyong pinapirma ko sa kanila.” sabi ko pa pero hindi pa rin ako pinakinggan ni Jay Vincent.
Pina-autograph ko ang mga litrato ng banda para kay Acy pero kulang ang mga ito, Natutulog pa raw si Joseph at hindi pwedeng gisingin dahil baka maging dragon, Ayaw kasi nito ng ginigising.
Okay lang naman sakin basta ang importante ay ang pirma ni JayVT dahil ito ang gusto ng kapatid ko.
Tumigil lang si Jay Vincent sa paglalakad nang nasa labas na kami ng villa.
“Bakit mo ako dinala rito sa labas?” tanong ko.
Hindi pa rin binibitiwan ni Jay ang aking kamay at wala akong balak na sawayin ito.“Ang ingay kasi nila, tapos pati ikaw nakikitawa pa.” naka-pout pang sabi nito.
Hindi ko napigilang tumawa nang malakaa para kasi itong batang nagtatampo.
“You’re so cute.” sabi ko at kinurot ang pisngi nito.
Kung kanina ay nagkakandahaba ang nguso ni Jay Vincent, ngayon naman ay halos mapunit ang mga labi sa luwang ng pagkakangisi. Huli na nang ma-realize ko ang aking sinabi.
“Anong sabi mo?” parang nang-aasar pang tanong ni Jay.
“W-wala.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi.
“Ikaw... Huh? Naku-cute-an ka pala sakin. Guwapo na, cute pa.” proud pa na sabi niya.
“H-hindi lang naman ikaw, auh... Pati mga kabanda mo, cute din.”
“Ayoko. Guwapo lang sila, pero hindi sila cute.”
“Pirmahan mo na nga lang ito.” utos ko at padabog na ibinigay ang mga papipirmahan.
Tiyan ba iyon?
Bakit parang bakal sa tigas?
“Ang brutal mo talaga.” naiiling na sabi ni Jay Vincent at hinimas ang tiyan.
“Alam mo, wala pa tayong picture na tayong dalawa lang.” dagdag pa niya.Oo nga naman.
Walang sabi-sabing kinuha ni Jay Vincent ang camera na nakasukbit saking leeg hindi na ako nakapagprotesta.
I also liked the idea of a picture with him together. Kahit hindi ko na ito makita nang personal, at least I could still see him in pictures at patunay na rin iyon na nagkasama kami.
May pagpapantasyahan ka kamo!
Nagbilang na si Jay Vincent hanggang tatlo at hindi niya inasahan ang ginawa nito kasabay ng tunog ng shutter ay lumapat ang mga labi ni Jay Vincent saking labi.
He kissed me for the third time pero ang pinagkaiba lang, smack lang iyon. Iba man iyon kagabi, ganoon pa rin ang naramdaman ko.
Bago umalis si Jay Vincent sa aking tabi ay isinabit muna niya ang camera saking leeg at inilagay sa kamay ko ang litrato pati na rin ang marker.
“Souvenir ko iyan sayo since you gave me this, Mahal.” sabi niya at itinuro ang bukol sa noo.
“Nakatulog man ako kagabi, it was still one of my favorite moments with you.” Pagkatapos ni Jay sabihin yun ay tumatawang bumalik ito sa loob ng cottage.Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at wala sa loob na napahawak ako sa labi ko.
Tama bang gawing souvenir ang halik? Pero imbes na magalit ay gusto ko pa sumigaw sa tuwa.
Naalala pa rin ni JayVT ang halik na nangyari kagabi!
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinala sa dibdib ang kamay nararamdaman ko ang malakas na tibok ng aking puso.
Puso ko, kumalma ka lang. Red zone Frix…
Ipinangako ko sa sarili na kung magkakagusto man ako sa isang lalaki ay doon sa simple lang.
But promises were meant to be broken, right?
And I could always make an exemption kung may souvenir man siya sa getaway na iyon, iyon ay ang katotohanang gusto ko na si Jay Vincent o mas kilalang JayVT ng bandang DRAGON TEAMER.
*END OF CHAPTER 15*
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...