Chapter 19

26 2 2
                                    

Frixiah P.O.V

Gustong kong tumalon sa tuwa pero hindi ko magawang kumilos ni hindi ako makapagsalita parang ako naparalisa.

The man I liked just told me that he liked her too.

Sino ba ang hindi matutuwa?

Para hindi makita ng ibang customers ay ibinaling ni Jay Vincent ang mukha sa dingding na katabi nito at hinawakan ang suot na cap.

Bakit mo ibinagsak ang tinidor?!”

Napakurap-kurap ako dahil sakanyang sinabi at inilibot ang tingin sa paligid may mga taong nakamasid pa rin samin pero wala pang nakakakilala kay Jay Vincent.

Umakyat yata ang dugo ko dahil sa tono niya, para kasi itong galit.

What happened to he likes me?

Sa tingin mo ba, sinadya kong ibagsak ang tinidor. Nagulat ako sa sinabi mo kaya nabitiwan ko accidentally at pwede ba... huwag kang magalit.”
Parang nahimasmasan din si Jay at huminga muna nang malalim.

I’m sorry, Hindi naman ako galit. Takot lang ako na baka may makakita sa atin.” sagot niya at pasimpleng tumingin sa paligid para tingnan kung may mga tao pa roon.

Nagpaulit-ulit aking isip ang huling sinabi ni Jay Vincent at parang may libo-libong kutsilyo bumaon aking dibdib.

Mukhang naiwan ko ang utak sa bahay habang pagala-gala ang aking puso.

Bakit ba kasi palagi kong inuuna ang sinasabi ng puso?

Paano ko nakalimutan na hindi isang ordinaryong tao ang kasama ko?

What was I thinking?

Walang salitang dali-dali kong kinuha ang aking bag at nagmartsa palabas ng café nawala na parang isang bula ang lahat ng iniilusyon ko na iba si Jay Vincent sa ibang lalaki.

Napangiti ako nang mapait.

Ang lakas kong sermunan ang aking kapatid tungkol sa pag-iilusyon pero mas martir pa pala ako.

Arghhh!! Kailan ka ba matututo, Frixiah!?” asik ko sa sarili.

Walang kwenta naman pala ang lalaking iyon! Pinilit akong lumabas, tapos takot palang makita kami? At may “I like you” pang nalalaman.

Leche!

Xiah!”

Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam ko na niya kung sino iyon nasanay na akong tinatawag na “Xiah” and I  liked it kaya hindi ko na  itinatama si Jay Vincent.

Mas binilisan ko ang paglalakad pero nahabol niya pa rin ako. Hinawakan nito ang aking braso at ipinapaharap sakanya.

Let go of me!” pagpupumiglas ko nang hindi nakatingin sakanya.

Imbes pakawalan ay lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Jay Vincent sakin.

What are you doing, Xiah? Bakit mo ako iniwan dun?”

Mabuti na nga at umalis ako kaysa naman makita tayo ng fans mo. Nakakahiya naman kasi sa kanila na ang kasama ng isang JayVT ay isang unknown woman, hindi ba?”

Wala na akong pakialam kung malakas ang boses ko. Hindi naman siguro kami makikita ng mga tao dahil medyo madilim na rin ang paligid.

Unknown naman talaga ako kung ikukumpara kay Jay.

Tanging ang mga kaibigan, pamilya, at mga nakakatrabaho ko lang ang nakakakilala sakin. Hindi katulad ng JayVT batu na buong Pilipinas ay kilala siya.

Will you lower down your voice?” saway ni Jay Vincent sakin at tumingin ulit sa paligid.

Mukhang wala pang nakakakilala kay Jay Vincent ngayon, Thanks for his disguise—big eyeglasses and cap.

“Bakit mo pa kasi ako inimbita kung ikahihiya mo lang naman pala ako?” naiinis kona sabi.

“Hindi nga 'yan ang ibig kong sabihin.”

“Anong hindi? Hindi ako bingi at dinig na dinig ko kanina na ayaw mong may makakita sa atin. Hindi ba matanggap niyang letseng ego mo na hindi ko tinanggap ang friendship na in-offer mo? O may isang babae na nanakit—”

“That’s not my point!” Napalakas na rin ang boses ni Jay Vincent sa pagputol ng mga sasabihin ko.

Ipinikit niya pa ang kanyang mga mata at hinilot ang sentido siguro para pakalmahin ang sarili bago nagpatuloy magsalita ulit.

You misunderstood me, okay? Hindi kita ikinahihiya. Ayaw ko lang na makilala nila ako dahil sigurado akong hindi tayo makakapag-usap nang maayos. Alam mo, mabuti nga siguro kung hindi kita naging kaibigan…” dugtong ni Jay Vincent na ikinadurog ng aking puso


*End OF CHAPTER 19*

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now