Chapter 6

38 2 0
                                    

Frixiah P.O.V

Hello, Miss Beautiful Sexy.” Ang ganda naman ng alarm clock ko ang ganda ng boses.
Hindi ka ba nakatulog nang maayos?”

Unti-unting kong iminulat ang mga mata ko saka inilibot ang tingin sa paligid, Nasa loob pa rin ako ng villa at may nakatayong lalaki sa harap.

Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang kami ni Hazzel sa villa na iyon kaya nga naisipan namin magkasama sa isang kwarto since dalawa naman ang kama.

Napatayo ako agad nang ma-realize na may ibang tao sa loob ng villa.

Hindi ko gaanong makita nang malinaw ang mukha ng lalaki dahil wala akong suot na salamin o contact lens.

Sa nanlalabong mga mata ay tiningnan ko ang kabuuan ng lalaki parang ito isang lalaki na lumabas mula sa magazine dahil sa kakisigan ng katawan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang humakbang ito palapit sakin kaya awtomatikong akong napaatras.

Huwag kang lalapit!” saway ko sa lalaki.

Pero imbes na sundin ang aking sinabi ngumiti lang Siya at humakbang palapit.

Tumingin ako sa paligid para makita kung may mahihingan ako ng tulong pero mukhang nasa malayong parte kami ng resort dahil wala akong makitang tao.

Umalis ka, tatawag ako ng security.” banta ko pa pero hindi man lang ito natakot.

Was that amusement I saw in his eyes? Namamangha ba ito na napagbantaan ko siya?

Are you scared of me? Hindi naman ako rapist, Magnanakaw siguro pwede pa.”

Natulala ako sa boses niya parang narinig na niya ang boses na iyon pero hindi ko maalala kung kailan, Basta ang alam ko ay masarap pakinggan ang boses niya. So smooth and clear that I could listen to him all day.

Hoy, Frix, anong pinagsasasabi mo riyan? Magnanakaw ang nasa harap mo!

Nagising pag iisip kosa pagmumuni-muni at agad na inihampas sakanya ang iPad.

My mind was telling me to smash the gadget on his face but my heart was telling her not to do it.

Aaminin kong kinakabahan ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ako makaramdam ng takot at iyon ang mas kinatatakutan ko, lalo na at hindi ko kilala ang lalaki.

Pistooool! Anong ginawa mo?” hiyaw ng lalaki habang hawak ang nasaktang noo niya.

Dapat lang iyan sayo dahil sino ka ba? Magnanakaw! Pasok ka nang pasok sa cottage nang may cottage!”

“I don’t care, woman! I’m not in the wrong cottage at wala akong pakialam kung magsumbong ka pa because my family owns this resort!” Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ding nakabawi.

Ano ngayon kung pamilya mo ang may-ari nitong resort? Pamilya ko ang may-ari ng buong  Cebu at kaya kitang ipadampot dito!”

Sa panahon ngayon ay marami na ang manloloko baka miyembro ito ng bagong modus ek ek ngayon, Iyong puro guwapo ang mga miyembro para madaling mauto ang mga babae ganun yun.

Umalis ka na dito kung ayaw mong makulong.” banta ko.

Damn it! Hindi mo ba talaga ako kilala? Ako si Jay Vincent Tolabing.” naiinis na sabi ng lalaki habang hinihimas ang noo niya napamura pa ito at tiningnan ang kamay kung may bahid ng dugo.

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now