Chapter 20

25 2 0
                                    

Frixiah P.O.V

Isang salita lang ang tumatak sa isip ko at iyon ang huling sinabi ni Jay Vincent.

Bakit ba may kakayahan itong iparamdam sakin ang maraming bagay?

When we were at the resort, ipinaramdam niya na ako ang pinakamagandang babae sa mundo pagkatapos... bigla ako inihulog sa bangin dahil sa kapangitan ko.

Ayaw rin naman kitang maging kaibigan.” mapait na sabi ko at tinalikuran siya.

Kung niyaya ako ni Jay para sabihin na ayaw ako nitong maging kaibigan ay wala na akong pakialam. Gusto ko na  umuwi at magpahinga pagod na ang katawan ko sa trabaho pati na rin ang utak ko.

Oo, napapagod na rin ang utak ko dahil sa kaka-intindi kung ano ba talaga ang mga nangyayari katulad ngayon, Ang alam ko ay naglalakad ako palayo kay Jay Vincent pero hayun ako at nakakulong sa mga bisig niya.

How can you be my friend when every time I look at you, You make me want more…” sabi niya sa mahinahong boses.

Close friends? Best friends? Bestest of friends? Anong more—”

Nanlaki ang mga mata ko when he shut me up using his lips, Hindi lang ang utak ko ang nagulo dahil pati ang mga cells sa aking katawan ay nagwala... Napakapit ako sa mga balikat niya dahil ayaw kong tuluyang bumagsak sa sahig.

He was kissing me tenderly, making my knees wobble like jelly. I was too stunned to make a move pero parang alak ang mga halik nito na nakakalasing kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

Mas intense at puno ng emosyon ang halik na ibinibigay niya sakin ngayon.

Dahan-dahan akong dumilat nang humiwalay ang mga labi ni Jay Vincent sakin.

Hawak pa rin niya ang aking mga pisngi at pinagdikit ang aming noo.

“I don’t wanna be your friend, I want to be your man. Alam kong may nararamdaman ka na rin sakin, Xiah. I can feel it.”

Ang mga sinabi niyq ay parang mga sagot na matagal ko nang hinahanap. Alam ko na ang rason kung bakit nadismaya ako when he was offering friendship dahil higit pa roon ang gusto ko.

Hindi ako makukuntento na maging kaibigan lang ni Jay Vincent because deep inside me, I also wanted more.

Alam kong may gusto na ako sakanya pero hindi ko akalain na darating iyon sa pagmamahal.

Sino ba kasi ang pinaglololoko ko?

Paano ko nakalimutan na ang mga salitang “like” at “love” ay magkalapit lang?

Iyon ang nangyari sakin...I started to like him and eventually it became love.

I wanted more but I knew that I couldn’t have it because it would be too complicated and I didn’t like complicated things.

Nag-iwas ako ng tingin at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa aking mga pisngi.

Jay Vincent, what you are feeling right now is temporary.

"There are so many beautiful girls around you lalo na sa mundo ninyo. We are different and I don’t belong in there.”

What are you doing, Xiah?!

Siguro habang maaga pa ay mabuti nang pigilan ang sarili.

What’s the difference between my world and your world? None. Because we are living in the same world. Ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong mundo. Try letting someone in there, Ano ang gagawin ko sa kanila kung hindi naman sila si Frixiah Schmidt. The most incredible girl that I’ve ever met?”

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Jay Vincent pero hindi ako pwedeng maniwala.

Nagsisimula nang uminit ang sulok ng aking mga mata pero hindi ako papayag na umiyak sa harap niya. I wouldn’t allow him to know that I was affected.

Napailing ako.

“I’m allowing other people to get into my world but not you, JayVT. Alam ko na kung ano ang magiging resulta kung sakaling magkarelasyon man tayo.” It would not work out.

Bakit hindi ako? Dahil ba pareho ang career namin ni James? Oo pero magkaiba pa rin kami. Pinapangunahan mo na naman ang lahat. Give me a fair fight, Xiah. Remember our agreement sa resort? N-na susundin mo lahat ng gusto ko? Pwede ko namang sabihin na pumayag ka bilang kaibigan o girlfriend ko pero ayoko sa ganoong paraan. Kung magiging tayo man, gusto ko iyong hindi ka napipilitan. Alam kong gusto mo rin ako dahil nararamdaman ko iyon, Give us a chance…”

I bit my lower lip.

Pare-pareho lang kayo. Sa simula, masaya kayo at proud na mahal kayo ng mahal niyo pero kapag nalaman ng fans niyo ang tungkol dito at ayaw nila sa babae, tatanggihan niyo na. Susundin niyo kung ano ang gusto nila dahil nakasalalay ang career niyo sa kanila. Once is already enough…”

Matapang na sagot ko pero hindi ako bato. Tao pa rin ako na nasasaktan, Ayaw kong maramdaman uli ang naramdaman ko dati.

There were billions of people in the world and I knew that I could still find another man na para sakin, iyong pareho kami.

Parehong malayo sa gulo.

Why are you judging me? Hindi mo pa nga nasusubukan pero may sinasabi ka na. You still haven’t moved on—”

“I’m not judging you. I just know it at nakita ko iyon sa resort hind ba, iniwan mo ako dahil sa fans mo? Pagod na ako sa ganyang drama at ayoko nang maulit pa iyon and you don’t have the right to tell me na hindi pa ako nakapag-move on.”

“And you also don’t have the right to tell me what to do and what to feel. That’s not true, Xiah. Hindi kita iniwan, ikaw ang kusang umalis... Sinundan kita pero wala ka roon. I would never ever leave you…”

That was a lie.

Hindi pa kasi niya nararanasan na magkaroon ng relasyon habang ayaw nang mga fans nito kaya madaling sabihin ang mga iyon. Darating din ang panahon na iiwan ako ni Jay Vincent, lalo na at nakita ko kung gaano nito kamahal ang fans niya.

All he wanted was their happiness at natatakot ako baka maiwan na namang luhaan. Hindi ko na hihintayin na tuluyan akong madurog kaya habang maaga pa ay ako na mismo ang iiwas.

Why was everything complicated?

Hindi pa ba sapat ang nagkakagustuhan kayo?


Huwag mong sabihin iyan. Let’s just pretend that we don’t know each other.” Pagtatapos kosa usapan.



*End of Chapter 20*

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now