Chapter 22

25 1 0
                                    

Frixiah P.O.V

Anak, hindi naman por que pareho sila ng daan na tinatahak ay pareho na sila.”

Nakahiga ako ngayon sa kandungan ni Mama, Ikinuwento ko kung ano ang nangyari kanina pati na rin ang nangyari noon.

Hindi ito masyadong nagbibigay ng komento tungkol sa first heartbreak ko, kung mayroon man iyon ay kung bakit hindi ko raw sinabi para naman may karamay ako.

Ayaw ko na magalit ang aking mga magulang na nagka-boyfriend ako habang nag-aaral pa gusto kong makalimutan agad iyon kaya sinarili na ko.

Pero mas maganda pala kapag nasasabi mo sa ibang tao o Pamilya mo ang iyong nararamdaman.

Basta ang alam ko, ayoko nang maulit pa ang nangyari noon kahit magkaiba pa sila. Marami pang mga lalaki riyan sa tabi-tabi na kaya akong mahalin. Kahit hindi guwapo, basta proud siyang ako ang girlfriend niya, okay na sa akin.” Sagot ko.

Okay na saiyo kahit hindi mo mahal? Kapag tatanungin ka kung mahal mo ang taong iyan, ano isasagot mo? OKAY LANG. Iyon ba? Isipin mo, ang taong iyon ang magiging karamay mo for the rest of your life tapos ano ang mangyayari sa inyo kung nalaman mong hindi ka kontento sa OKAY LANG?” Hindi ako nakapagsalita sa sagot ni Mama.
Let me ask you this, ano ang nararamdaman mo kay Jay Vincent?”

Ipinikit ko ang mga mata at nakita ko agad ang guwapong mukha niya, Ang mga ngiting nakakapagpangiti rin sakin.

Kahit palagi ko pinagsusungitan ay nakangiti pa rin ito.

Nakakainis kasi siya. Siya lang ang nakakapagpatahimik sa akin at sinasakyan din niya ang mga binabato ko sa kanya. Whenever I’m with him, I feel comfortable kaya parang machine gun itong bibig ko na hindi ko mapigilan sa pagsasalita. Kahit iyong hindi ko pa nasasabi sa inyo gaya ng first breakup ko ay nasabi ko sa kanya. Tapos iyong camera ko, hinayaan ko siyang humawak ni hindi niya ako kailangan pilitin. Siya rin ang unang lalaki na nagsabi na maganda ako kahit simple lang naman ang suot ko. Ipinakilala rin niya ako sa ibang tao kahit hindi ko pa siya kaibigan. He’s not ashamed of me.”

Tumango lang si mama at hinaplos ang aking buhok.

“Oo nga. Alam mo ba na ang mga taong nakakapagtahimik lang sayo ay ang mga taong malalapit sa puso mo? At binibigay mo lang ang camera mo sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Aba, walang karapatan ang mga lalaki na ikahiya ka. You are beautiful, tandaan mo iyan dahil maganda ang lahi natin.”

“I love him, Ma.”

Yes, I loved him and every time na lumalabas iyon sa aking bibig ay parang gumagaan ang pakiramdam ko.

Then bakit hindi ka pumayag na manligaw siya?”

“Because I’m saving the both of us from future heartbreak. Ang sakit kasi, Ma.”

“Saving the both of you or saving yourself? Sa tingin mo ba, sa sitwasyon niyo ngayon, hindi kayo nasasaktan?” My mom had a point, she did always have a point.

Ayokong makarinig ng kung ano-ano sa publiko. Kilala mo naman sila, kapag ayaw nila sa isang tao, kung ano-ano ang sinasabi. At paano na lang kung may nakatrabaho siyang mas maganda at sexy? Paano na lang ako?”

“Why do you care about what the public would say? It’s not their story; it’s the story between the two of you. If you love him then you would trust him.”

Why did I really care about the public?

It was only simple, Naaapektuhan ako sa mga sinasabi ng mga ito kahit minsan alam kong hindi ito totoo. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.

Ang hirap talagang magmahal ng sikat. Mabuti pa hanggang maaga, matigilan na itong nararamdaman ko.” sagot kona ikinangiti ni Mama at nagsalita.

Ang pagmamahal ay parang isang tubig sa ilog, Xiah... kahit may mga bato pa riyan ay patuloy pa ring aagos. Get it? Hindi mo mapipigilan ang sarili mo dahil kapag mahal mo ang isang tao, tuloy-tuloy na iyan. Hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon para sayo but we’ll always support you and you know that. Ang pwede ko lang sabihin, piliin mo kung ano sa tingin mo ang maganda para sa inyong dalawa. Iyong kahit nasaktan man kayo, sa huli ay magiging masaya pa rin kayo ni Jay Vincent.”


*End of CHAPTER 22*

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now