Chapter 2

88 3 0
                                    


Frixiah P.O.V

~THROWBACK~

Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Xiah!” nanggigigil na sigaw ni James nang makarating kami sa dressing room, Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya sumigaw ako ng cut para matigil ang kissing scene ni James sa isang music video, Ayaw kong makitang may kahalikan itong iba kahit acting lang.

James, ayokong makita kang may kahalikan. Hindi ba, ako ang girlfriend mo? Ako lang dapat ang pwedeng humalik sa—”

Hindi mo ba naiintindihan?! Parte iyon ng trabaho ko. Nakakahiya doon sa direktor at kay Raquel ang ginawa mo.” tukoy niya sa katrabaho.

Hindi ko maintindihan kung bakit may kissing scene ang boyfriend ko. Hindi naman ito lead singer at hindi rin artista.

So, why him? He was a singer, not an actor!

Napipikon na ako sa kaartehan mo, Xiah, ha!” sabi ni James at isinuklay ang buhok gamit ang mga kamay na parang nauubusan na ng pasensiya.

Nakagat ko nalang ang aking ibabang labi, Nag-unahan sa pagpatak ang na ang mga luha ko.

Kaartehan ba ang tawag kung ayaw kong makitang may kahalikan ang boyfriend ko?

“Let’s stop this, Xiah. Hindi na magwo-work out itong relasyon natin.”

“N-no. I love you—”

“I don’t love you anymore, Xiah. Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy pa natin itong relasyon natin.” sabi niya at naglakad palabas ng dressing room.

Hinabol  ko siya at niyakap sa likuran.

No. Hindi na kita guguluhin sa mga GIG mo at hindi na ako magrereklamo kapag isang crew or PA ang pagpapakilala mo sa akin para—”

Stop it, Xiah. I already love Raquel and I’m sorry.”

~END OF FLASHBACK~


Yiee! Naalala mo siya, nuh?” tukso ni Acy na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

Hindi kami inabot ng five years and to make it short, we are not meant to be.” sagot ko at pilit na ngumiti.

I made the story short. Hindi kami nagkatuluyan, as simple as that. Ayaw ko nang ikuwento ang nangyari dahil wala namang magbabago.

We didn’t end up together, in short walang happy ending.

Super short, ha? Kaya ba hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil hindi ka pa naka-move on sa kanya?”

“Ang swerte niya kung ganun. Wala pa akong oras para mag-boyfriend at hindi ko pa nakikita ang para sa akin.”

Nasaktan ako nang sobra pero hindi na iyon ang rason kung bakit wala pa akong Boyfriend.

Oo, mahirap sa una pero sawa na akong magmukmok sa isang tabi samantalang hayun si James at nagpaparami ng pera. Kung ganoon ang ginagawa ng dati kong boyfriend, kaya ko rin iyong gawin.

Iyon na nga ang ginagawa ko hanggang sa nakalimutan kona siya. I had a hard time moving on pero kahit mahirap ay nagawa ko.

Time flies, feelings fade…

Kahit bigo sa unang relasyon, naniniwala pa rin ako na darating din ang lalaki na para sakin, Baka na-traffic lang o nasiraan ng kotse. Hindi por que nasaktan na ako noon ay hindi na ako magmamahal uli.

Captured the Moment with JVTWhere stories live. Discover now