Frixiah P.O.V
Sinilip ko ang kwarto ng nakababatang kong kapatid hindi ko siya masyadong makita dahil nakapatay ang mga ilaw pero dinig na dinig ko ang pagsinghot nito senyales na umiiyak siya, Ang sabi ng mga magulang namin hindi pa raw lumalabas ng kuwarto si Acy para kumain ng hapunan.
Busy ako kahapon dahil sa isang shoot ng malditang dalaga para sa debut nito, Anak ng isang politiko kaya kung makaasta ay parang isang prinsesa.
Dagdagan pa at kinukulit ako ng isang scammer kung saan nanalo daw ako sa isang raffle, Hindi ako tanga para maniwala dun wala akong hilig sa mga ganoon dahil alam kong malas ako sa larong iyon.
Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sakin nang marinig ko ang boses ng lalaki parang ako natulala sa manly yet sweet na boses niya, Nakakawala ng pagod ang boses pero sayang at manloloko yun.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa kwarto at binuksan ang ilaw, Tumalikod si Acy sa pagkakahiga nang makitang palapit ako sakanya. Napailing na lang ako nang makitang magang-maga ang mga mata nito at namumula ang ilong. May mga nagkalat ding tissue paper sakanyang kama, Umupo ako sa gilid ng kama.
“Acee, I’m sorry kung nasigawan kita. Mainit lang talaga ang ulo ko dahil sa maraming dahilan at dagdagan pang nalaman kong sumali ka pala sa raffle gamit ang pangalan ko na hindi ka man lang nagpapaalam, Alam mo namang ayoko sa mga biglaan dahil magugulo talaga ang schedule ko.”
Sakanya ko naibuhos ang galit at pagod ko kagabi.Pinakialaman kase niya ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng unregistered number habang naliligo ako, Napag-alaman kong si Acy ang salarin kung bakit kinukulit ako ng isang unknown number at pinagpipilitin na nanalo ako sa raffle.
Sumali pala ito sa pa-raffle ng isang inumin ang soda Bottle, Hindi ako pinansin ni Acy at patuloy lang sa pag-iyak.
“Fine. Papatulan ko na yang raffle na iyan.” sumusukong suyo ko.
Alam kong kahit ano ang gawin niya ay hindi ako nito papansinin hangga’t hindi nakukuha ang gusto, lalo na at may koneksiyon sa banda ang pag-iyak niya.
“Talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Acy at napaupo agad sa kama.
Napangiti naman ako at tumango, Tumili ito at niyakap ako.
“Basta huwag mo na uling gagawin iyon, okay?”
Paalala ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko, maya-maya lang kumawala si Acy mula sa pagkakayakap sakin.
“Promise, Ate. Sorry talaga, Sumali lang naman ako dahil gusto ko talagang makita si JayVT pero dahil sa eighteen and above lang daw ang pwede ikaw agad ang naisip ko. Tapos advance birthday gift ko na lang iyon sayo para naman makapagpahinga ka at may instant date ka agad sa bakasyon mo.”
“Anong date ang pinagsasasabi mo?”
“Siyempre, mga tatlong araw din kayong magkakasama Sa ganda mong iyan hindi ka mapapansin?”
Natawa ako sa sinabi niya, Ang galing mang-uto.“Hay, naku... Ie-enjoy ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa lugar.”
Masaya ako dahil naisip din ni Acy ako, kahit paano alam ko na ang unang rason nito kung bakit sumali siya sa raffle ay dahil sa iniidolo.
Ang gusto ko lang naman ay makitang masaya ang aking pamilya, Wala rin namang masama kung pumayag ako sa gusto nito dahil talaga namang makakapagpahinga din ako. Nararamdaman ko din ang pagod sa katawan ko.
Hindi naman siguro tuluyang magugulo sa schedule ko ang tatlong araw na pagpapahinga, Hindi naman ako mamumulubi sa tatlong araw na hindi ako nagtrabaho trabaho.
Bakit ba kasi umayaw pa ako? Choosey kosa part na yun... Wala naman akong dapat katakutan, hindi ba?
*End of Chapter 4*
YOU ARE READING
Captured the Moment with JVT
Teen FictionFrixiah Schmidt ay isang ordinaryong babae na mahilig sa Photography at mahilig kumuha ng mga litrato sa kanyang Paligid. Paano kong nameet niya ang isang sikat na Bandang: Dragon Teamer at ang Vocalist nasi JayVT, pero hindi maganda ang unang pagt...