chap 10- movie

3.8K 108 10
                                    

Dedicated to all of you!!!

namely:(yung totoo?! Author? All of you tapos namely?! Kaloka ka!)

Hehe ^_^

To:
trinitylei6127
Jhentotz_14
GwyNah
wh0cArEs08
mizzeehh15
heavenprincess03
GracePuniel
michbuenafe
nanette25_Hime-chan
Kuro_Ran
beniales
Bloody_Scarlet24
HeartBreaker016

But seriously, to all of you guys!^_^

ZEVI'S POV

Gabi na. At ngayon ko lang naisipang bisitahin si Jun. Ngayong tulog na siya.

Pinagmamasdan ko lang siya. Nag iisip. Tinitimbang ang mga pangyayari. Nag iisip ng magandang desisyon.

Sasabihin ko ba sa kanya ang katotohanan o tulad nila ay hahayaan ko muna siya sa kasinungalingan at makikisakay sa mga plano nila?

Gusto kong makuha si Missaki pero mukhang hindi niya nga ako naaalala. At kung sasabihin ko sa kanya ang katotohanan siguradong hindi rin siya sasama sa akin. Mananatili pa rin siya kay Jun.

Isa pa. Masasaktan din siya. Dahil kahit wala akong nararamdaman kay Sabrina. Fiance ko pa rin siya.

Paano ko maipapaintindi sa kanya na hindi ko pa pwedeng iwan si Sabrina?

Sa lugar na ito. Pareho silang malayang nakakagalaw. Walang panganib sa buhay nila. Ligtas silang dalawa. Masaya. Malaya. May normal na pamumuhay.

Ngiti. Hindi ko naman makakayang kunin sa kanila iyon. Ang masayang samahan nila bilang magkapatid hindi ko kayang sirain iyon.

Kung sasabihin ko sa kanila ang katotohanan. Pareho silang masasaktan.

Masama ako. Oo. Alam ko na iyan. Hindi ako maghuhugas kamay na sasabihing mabuti akong tao. Walang mabuting tao ang pumapatay kriminal man o inosesnte. Isang katotohanan iyan sa mundo. Na kahit gaano kasama ang isang tao. Na kahit dumating sa punto na hindi mo na masabing tao siya dahil sa mga kasamaang ginawa, nagawa o ginagawa niya. Hindi pa rin iyon sapat na dahilan para kunin mo ang buhay niya. Dahil kapag ginawa mo iyon. Magiging mas masahol ka pa sa kanya.

Pero kahit masama ako. Hindi ko kayang saktan silang dalawa. Importante sa akin si Missaki. Gusto kong magpaka selfish at kunin siya.ang ibalik siya sa tabi ko. Pero kapag ginawa ko iyon ngayon. Sasaya ba siya? Hindi.

Hindi siya sasaya. At gusto ko na lagi ko siyang mapapasaya.

Si Jun. Hindi kami close noon. Hindi ko nga maalala na nagkausap kami noon kahit bilang mag kaklase man lang. Tahimik lang kasi siya. Normal na estudyante. Normal na tao.

At kahit alam kong kapahamakan ang dala niya para kay Missaki, hindi ko pa rin kayang ilayo si Missaki sa kanya ngayon.

Siguro nga tama ang kanilang ginawa. Tama ang naging desisyon nila. Ang paglapitin ang dalawa. Sa paraang iyon baka kapag bumalik na ang alaala ni Jun ay mapigilan niyon. O mabago ng mga pinagsamahan nila bilang magkapatid ang kagustuhan nitong patayin si Missaki.

The Game. Once na bumalik si Missaki sa mga Cross siguradong mabubuhay na ulit ang natutulog na laro.

Ano nga ba ang plano nila sa laro? Bakit nagbigay sila ng panahon sa kalaban? Hindi ba dapat tinapos na nila ito noon pa? Noong hindi pa ganoon kalakas ang mga ito?

Pero paano nga ba nawala sila Jun at Missaki? Paanong magkasama sila dito?

Oo. Nasabi sa akin na tumira si Jun sa Pilipinas noon pa man. Noong maibalik ito mula sa pagkakakuha sa mga sindikatong dumakip dito ay itinago ito sa Pilipinas.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon