chap 29- the Dinner

1.7K 55 3
                                    

MISSA'S POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng isang malaking mansyon sa taas ng isang bundok. Yeah. Parang sa pamilya ng mga Zolydck minus the giant dogs.

The mansion is Renaissance era style. Dahil gabi ay parang nakakatakot dahil sa ilang Gargoyles na nakadesign sa tuktok. At mas nagbigay ng creepy effect pa ang kildlat at kulog dahil nasa mataas kaming bahagi ng lupa.

"Let's go, guys. We better get inside before it rain." aya sa amin ni Zevi.

Sa aming lahat siya lang ang kalmado. Sigurado akong hindi ito ang unang beses na nakapunta siya dito.

At pano kami nakapunta dito? Isang tauhan ni GAMEMASTER. Siya ang nagsundo sa amin para dalhin kami sa lugar na ito. Nagconvoy na lang kami pero kami ni Zevi ay doon sumakay sa sasakyan noong tauhan ni GAMEMASTER kaya makikisabay na lang kami ni Zevi pauwi kina Gale.

We girls are all dressed in gowns. Gowns for royal vballs. Dinaig pa nga namin ang pupunta sa isang prom eh. This is just a simple dinner pero ito kasi ang nakalagay sa invitation.

Well, ok na rin. Kasi sure ako na lahat kami ay gustong humarap ng presentable sa kanya. The boys even drive their bestest cars.

Nagsimula kaming lumapit doon sa nag drive sa amin ni Zevi na nakaabang na ngayon sa nakabukas na pintuan.

Tahimik kaming lahat. Seryoso at para kaming nag aabang sa moment of truth.

Isang mahinhin na boses ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa isang napakalawak na espasyo ng lobby ng mansion o palasyo?

Malaki na ang bahay namin pero mas malaki ito eh!

Walang nakalagay na kung ano man sa paligid. 5 meters mula sa kinayatayuan namin ay makikita mo ang isang grand staircase.

"This way, Sir, Madam."

Geez. Ang creepy talaga ng lugar na ito. Ni hindi ko nga nakita kanina itong si ateng sa tabi ni Kuyang Driver eh.

Ramdam kong natakot din itong mga kasama ko dahil sa narinig kong pagsinghap nila maliban dito sa lalaking kinakapitan ko. Sanay na siguro siya sa ganoong creepy events.

Sabay sabay kaming humakbang.

AUTHOR'S POV

Isang kisap mata. At pagkamulat ng mga mata nila ay nakaupo na sila sa mahabang lamesa.

Magkakaharap sila. Isang hanay ng mga babae sa kaliwa at hanay nang mga lalaki sa kanan. Magkakatapat ang magkakapareha.

Si Zevi at Missa ang nakaupo malapit sa bakanteng upuan na nasa gitna kung saan umuupo ang may ari ng hapag.

Wala mang nagsasalita sa kanilang lahat ay makikita ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Miski kay Zevi.

Unang beses na nangyari sa kanya ito.

The last thing they remember was when they started to step to follow the maid. Then, next. Pagbukas ng mga mata nila ay nakaupo na sila.

"Ok... What was just happened?" basag ni Aki sa kanilang katahimikan.

Parepareho silang gulong gulo at hindi makagalaw sa kanilang inuupuan. They're like dolls na nakaupo ng maayos sa hapag. Stiff. Parang hindi nila magagawang igalaw ang kanilang mga katawan pero nakakaya nilang igalaw ang mga bibig at mga mata.

"I really don't have a d*mn idea." sagot ni Lucien na hindi na rin maitago sa mukha ang kaba sa nangyari sa kanila.

"I don't think coming here is a good idea." si Icen.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon