chap 30- what's the name

1.4K 52 5
                                    

AUTHOR'S POV

Napakurap si Missa ng kanyang mga mata para siguraduhing nasa kasalukuyan siya. O sila.

Nakaupo na sila ngayon ulit sa mahabang lamesa kung paano ang pwesto nila noong nagmulat sila ng kani kanilang mga mata.

"Totoo na ba ito? Naririnig ninyo ba ako?" si Aki

Tumingin silang lahat kay Aki at pare parehong tumango.

Napabuntong hininga si Aki.

"Anong nangyari? Gising na ba tayo o tulog?" tanong ni Brian

"Gising na siguro. Pero please lang kung hindi pa rin let's just stay here, okay?" sabi ni Reena na halata ng pagod na.

"Yeah. Reena's right. Mas magandang nandito tayo sa lugar na ito para mas madali nating malaman kung anong nangyayari sa atin." sang ayon ni Tristan sa kasintahan.

Anong sinasabi nila?

Iba iba ang naging mga karanasan nila. Noong una ay tig iisa isa silang karanasan hanggang sa magigising sila na hindi pala iyon totoo. Pagkatapos ay parang nagising na talaga silang lahat dahil nagkakausap usap na sila at nagtutugma tugma na ang mga kaganapan sa mga paligid nila.

Ang kaso ay noong napansin ni Shin na may kakaiba sa paligid nila ay napatunayan nilang hindi pa pala sila nakakabalik sa kasalukuyan at heto na naman ngayon na magkakasama sa hapag ng bahay ni Gamemaster.

Iyong pagnginig ng mundo at pagbukas ng lupa kanina ay nangyari dahil naisip iyon ni Shin.

Nasundan nang napunta sila sa isang theme park na naisip ni Kira kung saan ang lahat ng mga bata ay nagrarides pero sila ay naglalaro lang ng Piko.

Then, sa outer space na naisip ni Icen at naging mga Martians sila na nakikipaglaban sa mga minions ni Lord Hater na villian sa Wander Over Yonder.

Then, sa isang deserted island na naging mga unggoy sila at ang pinuno nila ay si Kira na naisip ni Jace.

Sumunod ay napunta sila sa under the sea kung saan natagpuan daw nila ang lost city na Atlantis na naisip ni Im-han. At sila ay mga dolphins ngunit si Kira ay isang lumot lamang.

Tapos ay naging mga manyika sila na laruan ni Reena na si Reena rin ang nakaisip.

Tapos ay naging mga Pokemon trainer sila at nagkaroon ng mga sarili nilang mga Pokemon na naisip ni Yvan.

Then naging mga bampira sila na naisip ni Brian na agad namang kinontra ni Tristan kaya naging werewolves sila na kinontra ni Aki kaya naging mga witches sila na kinontra ni Mikhail kaya naging mga robots sila.

Tumigil ng isang minuto ang pagiging mga robot nila hanggang sa namalayan na lang nila na nasa loob pala sila ng monitor ng isang computer. Hanggang sa naganap ang makasaysayang Trojan war dahil sa pakikipaglaban nila sa virus na naisip ni Jane.

Hindi matapos tapos ang makasaysayang Trojan war nila na iyon dahil puro sila mag robot at walang Achilles o Hector o kung sino pa man na makatotohanang character sa tunay na Trojan war. Lahat sila ay nanatili sa pagiging mga robot at pinanindigan ang pagiging Iron Man at Iron Woman 1-14.

Walang katapusan ang labanan nilang iyon ng mga Trojan computer virus kaya nagisip si Zevi na nasa isang dead sea sila para makaalis sila sa sitwasyon na iyon. Pero dahil sa naisip niyang iyon ay agad na pumasok sa isipan ni Missa ang dugo kaya naging mga reb blood cells sila.

Relax ang feeling na nagpapadaloy daloy sila sa isang katawan ng tao at tuwang tuwa naman si Missa pero nagkaroon ng problema nang may mga fats na nagblock ng mga passage ways nila kaya nawalan sila ng choice kaya napag isipan nilang magkonekonekta ng isip para makabalik sa dining table sa bahay ni GAMEMASTER.

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon