chap 29- the Dinner pt.2

1.3K 49 0
                                    

AUTHOR'S POV

Napakalakas ng kabog ng puso ni Zevi habang titig na titig siya sa taong papalapit sa kanya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Hirap din siyang huminga. Ah. Baka nga hindi na siya humihinga. Hindi rin siya makakurap ng mga mata.

Pero hindi dahil sa takot o kaba kaya siya nagkakaganito ngayon. Dahil ito sa saya. Sobrang kasiyahan na tumutulo na sa pisngi niya ang mga luha niya.

Hell! His friends can tease him later all they want for him being gay now but he doesn't care!

Hindi niya alam kung paano nasusukat ang kasiyahan pero sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon. At dahil iyon sa iisang babae. Kay Missaki Sakura Cross na ngayon ay naglalakad sa aisle papunta sa kanya.

Yes. Today is their wedding day. Finally! Ang pinakaaasam niya simula nang makilala niya ito. Ang gawin itong kanya. Ang palitan ang apelyido nito ng kanya.

Oo. Sa unang pagkakataon na nakita niya ito noon ay ang mga malalamig na mata nito ang nakapukaw ng kanyang atensiyon. Ang nakapagpatibok ng mabilis sa kanyang puso. Pero hindi lang iyon. Dahil sa unang beses niyang nakita ito ay bigla na lang din nag pop ang imahe nito sa kanyang isip na nakasuot ito ng wedding gown at masayang nakangiti sa kanya.

Alam niyang magagalit si Mikhail sa kanya kung matutulog siya sa klase pero wala siyang choice kundi gawin iyon dahil sigurado siyang kung pipilitin niyang nakamulat siya ay tititigan niya lang ang babaeng nasa gilid niya.

Konti na lang. Konting konti na lang. Nangangati na ang mga paa niya na lapitan ito at kunin na sa mga magulang. Hindi na siya makapaghintay. Parang ang tagal tagal nitong makalapit sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga paningin. Nakapaganda nito habang nakangiti. Muling naramdaman ni Zevi ang pagpatak ng luha niya dahil sa sobrang kasiyahan pero hindi niya na iyon pinagkaabalahan pang punasan.

Ayaw niyang pumikit o kumurap. Ayaw niyang mabali ang tinginan nila ni Missa na iyon. Gusto niyang itatak sa puso't isipan niya ang tanawin na iyon.

They said na ang wedding day ay ang pinakamahalagang event sa buhay ng isang babae. Pwes, nagkakamali sila. Dahil para kay Zevi ang kanilang kasal din ang isa sa pinakamahalagang event sa buhay niya.

It was more a dream come true. Ngayon alam na niya why it takes so much time, reason and challenges bago humantong sa kasalan ang dalawang tao. Dahil hindi basta basta ang pagpapakasal.

Hindi lang kayo mag pe-prepare na parang nag aasikaso lang kayo ng isang party. Hindi lang kayo mag iimbita ng mga malalapit na bisita sa buhay ninyo na parang nag iimbita lang kayo para sa isang birthday party. Hindi lang mag lalakad ang bride sa aisle na parang tatanggap lang ng Hostia kundi maglalakad siya palapit sa altar para magbukas ng panibagong kabanata ng buhay niya kung saan makakasama na niya ang kanyang groom.

It was like having a new life. A new beginning. It was like being born again.

And sorry for the word, but hell! He's willing to start a new life in scratch! He's wholeheartedly accepting to be born again if that means to be with Missa for the rest of his new life.

But sometimes. May mga bagay at pangyayari na kahit segundo na lang ang hinihintay mo para mangyari iyon ay makakagawa pa rin ng paraan ang mga taong ayaw kang lumigaya para mapigilan iyon.

*Bang!*

Tumigil si Missa sa paglalakad. Tumigil ang lahat ng tao. At tumigil ang pagtibok ng puso ni Zevi.

Puti lang ang nakikita niya sa paligid at ang ngayong katawan ni Missa na nakahiga sa sahig. Ang puting puti na gown nito kanina ay punong puno na ngayon ng pulang dugo.

"Zevi!"

"Zevi!"

Hindi niya maintindihan kung may tumatawag bang boses sa isip niya o may naririnig ba siya. Wala siyang makita kundi puting kapaligiran at ang katawan ni Missa na nasa sahig.

Ang simbahan. Ang mga bisita. Lahat nawala sa paningin ni Zevi. Tanging si Missa lang ang nakikita ng mga mata niya.

Shock. Tumigil ang pag ikot ng mundo niya. Tumigil ang pag function ng katawan niya.

Gusto niyang lumapit dito. Gusto niyang sumigaw. Pero wala. Hindi niya magawa.

"No. No. This is not happening. This is not true. No. No! NO!!!"

"Zevi!"

Parang na snap back si Zevi at napakurap at ngayon ay nakikita na niyang muli si Missa sa harapan niya. Nakasuot ito ng ball gown at naka upo sila sa hapag sa bahay ni Gamemaster.

Mag pagaalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Doon pumasok sa isip niya na ito ang kasalukuyan.

Lahat sila. Hindi nila maipaliwanag kung anong nangyari at bigla na lang silang nakaupo dito kanina. Hindi niya rin iyon mapaliwanag sa sarili niya dahil ito ang unang beses na nangyari sa kanya iyon dito sa bahay ni Gamemaster.

At ano na naman iyong kasal nila kanina na namatay si Missa? Bakit niya iyon nakita? Nananaginip lang ba siya? Gising ba siya?

Gulong gulo si Zevi pero wala siyang makuhang kasagutan.

"This is not true. I don't know how to explain this but this is not true." sabi ni Missa sa mga kaibigan.

Hindi maipaliwanag ni Missa pero alam niyang hindi totoo ang nangyayari sa paligid nila.

Tumayo siya sa kinauupuan at inutusan gawin din iyon ng mga kaibigan. Sumunod na lang sila.

Nawala ang hapag at mga upuan at napaligiran sila ng kulay puti. Para silang nasa malaking kwarto na pininturahan ng puti. Lahat puti.

"Hallucination." si Mikhail iyon.

"Yeah. Maybe. But how? Bakit ngayon magkakapareho na ang nasa isip natin. Pare pareho na ang sitwasyon natin. Gising na ba tayo? Kasalukuyan na ba ito?" si Icen iyon. Gulong gulo din ito sa nangyayari sa kanila.

"Ano to? Bakit ganito? False awakening?" si Lucien. Medyo nagpapanic na rin ito sa sitwasyon nilang magkakaibigan dahil hindi niya magawan ng paliwanag ang nangyayari sa kanila.

"Pero bakit magkakakonekta ang mga naiisip natin?" si Mikhail

"Oo nga. Bakit ganito? Ano to Inception asan si Jack?!" si Kira na ang tinutukoy na Jack ay si Leonardo Dicaprio na bida sa isang movie na Inception.

"Sweety pie, Honey pie, the Apple of my eyes! May naririnig ka ba?" kinakabahan at takot na tanong ni Shin.

Then bigla na lang nanginig ang buong mundo nila at nahati ang lupang kinatatayuan nila at nahulog sila sa dilim.
******************************

Ung nakita ka ng crush mo in your ugliest form?!

Ito! Ito ung gusto kong mangyari kanina!!!huhuhu

Ang lamunin ako ni mother Earth!

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon