chap 54- which side

1.2K 34 0
                                    

AUTHOR'S POV
(Flashback of Chapter 41)

Matapos na nagmamadaling magsialisan sina Missa sa bahay ampunan ay naiwang naguguluhan si Travis kasama si Sister Anna at ang mga bata sa ampunan.

Sa totoo lang ay gusto na ding umalis ni Travis at puntahanan na ang kanyang ama. Para magtanong dito. Magtanong tungkol sa kwintas na ibinigay nito sa kanya noong inampon siya nito. Bakit nasa kanya ang kwintas na iyon kung siguradong sigurado iyong babaeng kasama nila Missa na sa nakakatandang kapatid nito iyon. Paano iyon napunta sa kanyang ama? Bakit nito iyon binigay sa kanya at hindi na lang itinago? May kaugnayan ba siya sa mga ito?

Nailibot ni Travis ang tingin niya sa mga batang masasaya pa ring naglalaro na wala man lang kaalam alam sa kaunting komusyon na nangyari kani kanina lang. Ang dami niyang tanong. Pero isang tanong ang gustong gusto niyang masagot.

Sa dami dami ng mga bata dito sa ampunan. Bakit siya? Bakit siya ang napiling ampunin ng kanyang ama?

Ilang oras pang nanatili sa ampunan si Travis para makasama at makalaro ang mga bata. At para na rin matulungan si Sister Anna. Isa pa. Totoong namiss niya ang ampunan lalo na si Sister na tumayong ina niya noong nasa ampunan pa siya.

"Sister, mauna na po ako. Gumagabi na rin. Para makapagpahinga na rin po ang mga bata at kayo na rin." magalang na paalam ni Travis kay Sister.

Magaang ngumiti kay Travis ang madre at pinakatitigan siya. Alam ng madre na ang nangyari kay Travis kanina ay patuloy na gumugulo dito.

"Sige, hijo. Alam kong malayo layo pa ang ba-byahihin mo. At alam kong marami ka pang kailangang alamin. Pero tandaan mo. Ang iyong ama. Ang iyong ama na kumupkop sayo mula sa ampunang ito. Paniwalaan mo siya. Mabuti siyang tao. At para sayo. Handa niyang dumihan ang kanyang mga kamay at pagkatao. Para sayo. Kaya pakinggan mo siya. Iyon lamang ang mapapayo ko sayo. Pagpalain ka, hijo."

Habang nagmamaneho pauwi si Travis ay paulit ulit na nagrereplay sa utak niya ang mga sinabing iyon ni Sister. Oo. Mabuti sa kanya ang kanyang ama. Simula ng kupkupin siya nito ay nakaramdam na siya ng pagmamahal na mula sa pamilya.

Ito lamang ang kumuha sa kanya sa ampunan. Matagal ng katanungan sa kanya kung paano nangyari iyon. Legal ang lahat ng papel na meron siay tungkol sa pagkatao niya. Pero hindi hinahayaan ng batas na isang tao lamang ang mag ampon. Kailangan ay mag asawa. Hindi niya maisip na gagawa ng isang illegal na bagay si Sister Anna. Kilala niya ito. Napakabuting madre nito.

Siguro nga. Siguro nga ito na ang panahon para gamitin ni Travis sa kanyang sarili ang kanyang propesyon. Ang alamin kung sino ba talaga siya. Ang alamin kung bakit siya nauugnay kina Missa.

Nang makarating si Travis sa kanilang bahay aya agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at naglakad papasok sa loob. Binati siya ng mga kasambahay tulad ng laging ginagawa ng mga ito pero ngayon hindi niya nasuklian ang mga pagbati ng mga ito.

Gulong gulo siya. At ang taong matatagpuan niya lang sa study room kung saan siya patungo ang makakasagot ng lahat ng iyon.

Bubuksan na sana ni Travis ang seradura ng study pero napatigil siya. Kinakabahan siya sa mga maaari niyang malaman. Sinong hindi? tungkol sa pagkatao niya ang maaaring malaman niya. At tulad ng sinabi ni Sister Anna pakikinggan niya ang kanyang ama. Pakikinggan niya ang mga paliwanag nito.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Travis bago niya tuluyang pinihit pabukas ang seradura. Nakaupo sa likod ng lamesa nito ang kanyang ama at may binabasang mga papel sa kamay nito.

"Dad."

TRAVIS'S POV
(still on flashback moments)

"You're my son."

THE END OF THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon